EDUCATIONAL ASSISTANCE

TUMANGGAP ng tulong pinansyal ang may 860 Bulakenyong kabataan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan noong Sabado na ginanap sa Bulacan Sports Complex, Lungsod ng Malolos, Bulacan na naglalayong makatulong upang maipagpatuloy ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral sa panahon ng krisis o emergency. Nasa larawan din sina (mula kaliwa) pinuno ng Provincial Social Welfare and Development Office Rowena Tiongson, Concurrent OIC-Regional Director at Assistant Regional Director for Operations Venus Rebuldela ng DSWD at kanilang mga kawani. (PHOTO COURTESY OF DSWD)