Turista sa Boracay di napigil ni ’Agaton’

HINDI naging hadlang si Tropical Depression ‘Agaton’ sa mga dumagsang mga turista sa Boracay Island bagamat patuloy ang nararanasang moderate hanggang sa malakas na may paminsan-minsang intense na pag-ulan partkular na dito sa Malay, Aklan sakop ng Western Visayas ay sige sa paglusong sa dagat ang mga turistang bakasyunista. Dahil sa bagyo ay sinuspinde ng Boracay coast guard ang lahat ng beach activity gaya island hopping, Parasailing, cliff diving, helmet diving, banana boating, Paraw sailing, jet skiing, at iba pang water sports activities maliban sa paliligo. Kuha ni: ERICK SILVERIO