Pormal na sinimulan kahapon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang pagdiriwang ng Singkaban Festival 2026 sa pagbubukas ng dalawangpangunahing programa na naglalayong suportahan ang kabuhayan ng mga lokal na negosyante at magsasaka—ang ikalawang yugto ng Tatak Singkaban Trade Fair at ang Kadiwang Pangulo.
Matatagpuan sa harap ng Regional Trial Court Building, tampoksa trade fair ang 80 lokal na exhibitors na nag-aalok ng iba’tibang produktong gawang Bulacan kung saan maaaring mamiliang mga bisita ng sariwang gulay at prutas, mga lutong pagkain, produktong agrikultural, hand-crafted na accessories, at ibapang tradisyunal na produktong likha ng mga Bulakenyo.
Pinangunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang seremonya ng paggugupit ng laso kasama sina Bise GobernadorAlexis C. Castro, mga Bokal Fortunato “Tato” SJ. Angeles, Romina D. Hernandez, at Anna Kathrina M. Hernandez, Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia V. Constantino, at Puno ng PCEDO Abgd. Jayric L. Amil.
Isinagawa sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) at Provincial Agriculture Office (PAO), pinatitibay ng gawaing ito ang pangako ng lalawigan na palawakin ang merkado para sa mgalokal na micro, small, and medium enterprises (MSMEs) atmagsasaka.
Kasabay nito, inilunsad din ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) Kiosk sa OTOP Hub sa loob ng PCEDO Building na magsisilbing retail hub na siyang direktangmagkokonekta sa mga magsasaka at agrarian reform beneficiaries sa mga konsyumer.
Inaanyayahan ang lahat na bisitahin ang Tatak Singkaban Trade Fair at Kadiwa ng Pangulo hanggang Biyernes, Setyembre 11, 2026.





