PAGCOR naglaan ng P200M para sa BulSU Hospital

NAGLAAN ng inisyal na P200-milyon ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa pagpapatayo ng limang palapag na ospital sa Malolos Main Campus 2 ng Bulacan State University (BulSU). 

Tiniyak ni Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairperson at Chief Executive Officer Alejandro Tengco ang state firm’s multi-year funding para sa pagpapatayo ng limang palapag na ospital sa Malolos Main Campus 2 ng Bulacan State University. (PAGCOR)

Ang nasabing proyekto ay nakatakdang magsimula sa lalong madaling panahon sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Tiniyak ni PAGCOR Chairperson at Chief Executive Officer Alejandro Tengco ang multi-year funding para sa BulSU Hospital sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Aniya, ang proyekto ay naaayon sa pangako ng administrasyon na epektibong ipatupad ang Universal Health Care habang namumuhunan sa susunod na henerasyon ng mga Filipino health professional.

Samantala, ibinunyag ni Department of Health (DOH) Bulacan Field Office Development Officer Emily Paulino na ang panukalang BulSU Hospital ay paunang patakbuhin ng unibersidad.

Nakatakdang kunin ng DOH ang operasyon kapag naipasa na ng Kongreso ang isang statutory law.

Ang proyekto ay magkakaroon ng inisyal na 100-bed capacity at magiging mata bilang isang tertiary hospital.

Sinabi ni BulSU President Teody San Andres na ang groundbreaking ceremony ay simula ng pagsasakatuparan ng pangarap ng unibersidad mula nang ito ay naisip noong 1990s.

Kapag natapos noong 2028, ito ang magsisilbing training ground para sa mga mag-aaral ng College of Medicine, na kasalukuyang nakabase sa San Rafael Campus.