Bocaue Mayor Jon-Jon Villanueva at Vice Mayor Sherwin Tugna
PUNO ng galak at pagpupunyagi ang bayan ng Bocaue, Bulacan dahil sa muling pagbabalik ng sigla ng lokal na pamahalaan sa bagong lideratong hatid nina Mayor Jonjon Villanueva at Vice Mayor Sherwin Tugna para sa isang righteous governance at sa pagpapatuloy na rin nang naiwang legasiya ng namayapang si Mayor Joni Villanueva-Tugna.
Ang panunumpa at pagtatalaga sa tungkulin ni Mayor JonJon Villanueva ng Bocaue, Bulacan kasama ang buo nitong pamilya na pinangasiwaan ni Bulacan RTC Executive Judge Olivia Samar na ginanap noong June 30, 2022. Kuha ni ELOISA SILVERIO
Mainit ang naging pagsalubong ng mga empleyado ng Pamahalaang Lokal ng Bocaue kay Villanueva at Tugna sa unang araw ng kanilang paglilingkod sa ginanap na first flag ceremony at inaugural session kamakailan.
Si Mayor JJV Villanueva ang nakatatandang kapatid at si Vice Mayor Tugna naman ang balo ng namayapang si Mayor Joni noong kasagsagan ng unang taon ng Covid-19 pandemic.
Sa kanilang mga talumpati noong June 30 sa ginanap na inagurasyon ng pagtatalaga sa tungkulin, kapwa nila tiniyak sa bawat Bocaueño na tuloy-tuloy na at wala nang makakapigil sa pagbuhay sa legasiya ni Mayor Joni na mapanatiling nasa mabuti, maayos at mataas ang antas ng bayan ng Bocaue.
Mayor JJV Villanueva
“Buo ang loob ko na muli kayong paglingkuran (Bocaueños) sa abot ng aking makakaya para sa isang pamayanang maunlad at payapa,” ayon kay Villanueva.
Tinawag naman ni Senator Joel Villanueva, kapatid ng alkalde na “calling” ang pagbabalik at muling pagsakripisyo ni Mayor JJV upang magawa ang hinihiling tungkulin at obligasyon na mapaglingkuran ang minamahal niyang Bocaueño.
“Mayor Jonjon came back and walk the extra mile to sacrifice, to ensure that he is going to contribute in the legacy of Mayor Joni, kaya sa mga oras na ito masasabi ko na… Napakasarap maging Bocaueño!” ayon sa senador.
Dagdag pa ni Sen. Villanueva, ang pagkakaluklok kay JJV at Tugna ay kaloob ng Diyos mula sa mga panalangin ng mga Bocaueño na magkaroon ng righteous governance ang bayan ng Bocaue.
MAYOR JONI’S LEGACY CONTINUES–Bocaue town Vice Mayor Sherwin Tugna, widow of late Mayor Joni Villanueva takes oath before Bulacan RTC Exec. Judge Olivia Samar (left) with father-in-law CIBAC Partylist Cong. Bro. Eddie Villanueva. Joining them are Tugna’s children Joacquin, Elea, Lexi Joy and Doreen held last June 30, 2022. Photo by ERICK SILVERIO
Ayon naman kay VMayor Tugna, pagtutuunan nila ng pansin ang trabaho, kalusugan at edukasyon kung kayat nakikipag-ugnayan na siya sa mga nasyunal na ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department Of Labor and Employment (DOLE), Department Of Health (DOH), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Education (DepEd) para sa mas produktibong mga programa sa susunod na tatlong taon ng kaniyang termino. Vice Mayor Sherwin Tugna
“Sinisimulan na po natin ang pagbalangkas ng mga ordinansa na direktang tutugon at magbibigay ginhawa at magpapataas ng antas ng bawat Bocaueño,” wika ni Tugna.
Pinasalamatan ng dalawa una na ang Diyos, ang kanilang pamilya at bawat Bocaueño na nagtiwala at sumuporta sa kanila.
CITY OF MALOLOS – Inilunsad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pangunguna ni Chairman and Chief Executive Officer Alejandro H. Tengco sa...
ANGELES CITY—Mayor Carmelo ‘Pogi’ Lazatin Jr., on December 7, 2023 awarded Certificates of Recognition and cash incentives to Model Employees for the year...
CITY OF MALOLOS – As a result of their significant contribution to the society, the Tahanang Mapagpala ng Immaculada Concepcion Foundation, Inc. from the...
Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), the Philippines’ leading mobility infrastructure and solutions provider, is turning up the holiday excitement with the return of...
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept All”, you consent to the use of ALL the cookies. However, you may visit "Cookie Settings" to provide a controlled consent.
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
Cookie
Duration
Description
cookielawinfo-checkbox-analytics
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional
11 months
The cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy
11 months
The cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.