Go, Robin, Bato naghatid ng biyaya sa mga nasalanta ni Karding sa Bulacan

Pinangunahan ni Senador Bong Go kasama sina Sen. Robin Padilla at Sen Bato Dela Rosa ang pamamahagi ng Assistance to Individuals on Crisis Situation mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 500 pamilya na naapektuhan ng nagdaang bagyong Karding na ginanap sa Municipal Covered Court ng San Miguel, Bulacan Huwebes. (Larawan: Shane Velasco PIA)
PERSONAL na tinungo nila Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Robinhood Padilla at Ronald “Bato” Dela Rosa ang bayan ng San Miguel, Bulacan upang personal na maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong ‘Karding nitong Huwebes, Setyembre 29, 2022.
 
May inisyal na 500 pamilyang benepisyaryo ang tumanggap ng tig-P5 libong Assistance to Individuals on Crisis Situation mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), tig-iisang food packs kada pamilya mula sa tanggapan ni Senador Go. 
 
Mayroon namang ipinadala na 3,300 na mga food packs ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)  at 500 food packs din mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). 
 
Nagpadala rin  ng 34 kahon ng mga noodles mula sa First Scout Ranger Regiment.
 
Nagbigay si Go ng 6 na cellphone at tig-2 pares ng rubber shoes sa mga residente.
 
Nagpaabot naman ng pasasalamat si San Miguel Mayor Roderick Tiongson sa mga senador.