
Pormal nang naiproklama ng Provincial Board of Canvassers ang mga nagwaging kandidato sa provincial level sa Hiyas ng Bulacan Convention Centrr sa Lungsod ng Malolos, Bulacan Martes ng umaga.

Kabilang sa mga ipinroklama sina Governor Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis Castro, District Representatives at Provincial Board Members.
Si Fernando ay wagi ng kaniyang ikatlong termino matapos ilampaso sa dalawang magkasunod na pagtutunggali laban kay former governor Wilhelmino Sy-Alvarado.
Nakakuha ng landslide na 1,177,893 votes si Fernando habang 227,194 lang kay Alvarado at 226,204 na boto naman kay Salvador Violago.
Gayundin si Vice Gov. Castro na nakakuha ng 1,360,020 boto kontra sa 154,644 boto ni Elmer Paguio.

Kasama sa mga halal na opisyal na ipinroklama sina Cong. Danny Domingo ng Unang Distrito, Cong. Tina Pancho ng Ikalawang Distrito, Cong. Cholo Violago ng Ikatlong Distrito, Cong. Salvador Pleyto ng Ika-apat na Distrito, at Cong. Agatha Paula Cruz ng Fifth District.
Proklamado din ang mga nanalong Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sina Michael Aquino at Romina Fermin mula sa First District; Erlene Dela Cruz at Dingdong Nicolas ng 2nd District; Raul Mariano at RC Nono Catsro ng 3rd District; Kat Hernandez at William Villarica ng 4th District; Ricky Roque at Cesar Mendoza ng 5th District; Jay De Guzman at Art Legaspi ng 6th District.

Pinangunahan ni Atty. Mona Ann Campos, Provincial Election Supervisor at Chairman ng mga Provincial Board of Canvassers ang ginanap na proclamation activity of new and re-elected local officials for Eleksyon 2025.
Pinasalamatan naman nina Fernando at Castro ang mga sumuporta upang maipagpatuloy nila ang paglilingkod sa mamamayang Bulakenyo.
Ayon kay Fernando, sa kaniyang 3rd term ay tututukan ng provincial government ang flood problem sa probinsiya kung saan inihahanda na ang itatayong coastal road-flood control mula Bataan to Manila.
Kasama rin ang pagtatayo ng karagdagang Dam na sasapo sa sobrang tubig tuwing panahon ng tag-ulan.