Mag-aaral kinilala ang sipag, malasakit sa School Garden Competition

Kinilala ang sipag at malasakit ng mga mag-aaral sa ginanap na School Garden Competition Awarding Ceremony sa pangunguna ng Provincial Government of Pampanga, katuwang ang tanggapan ni Former President at ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo at ang Department of Education – Schools Division of Pampanga.

Pinangunahan nina Governor Lilia “Nanay” Pineda, Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, at Former Congressman Mikey Arroyo, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at DepEd officials, ang paggawad ng parangal sa mga natatanging paaralan.

Binigyang-diin ni Gov. Nanay na ang proyektong Gulayan sa Paaralan ay higit pa sa isang paligsahan. Bunga nito ang disiplina, pagtutulungan, at pangangalaga sa kalikasan, habang itinataguyod ang nutrisyon at seguridad sa pagkain ng mga kabataan.

Sa Municipal Elementary Level, kinilala ang Dampe Elementary School ng Floridablanca, San Juan Nepomuceno Elementary School ng Guagua, San Francisco Elementary School ng Lubao, Pulung Santol Elementary School ng Porac, Malusac Elementary School ng Sasmuan, at San Basilio Elementary School ng Sta. Rita.

Sa High School Level, pinarangalan ang Floridablanca National Agricultural School, Betis National High School ng Guagua, Del Carmen National High School ng Lubao, Camias High School ng Porac, Malusac National High School ng Sasmuan, at Ambrocio S. Simpao Educational and Trade Center for Learning ng Sta. Rita.

Ang mga municipal level winners ay nakatanggap ng tig-₱30,000, habang ang congressional level winners na San Francisco Elementary School at Floridablanca National Agricultural School ay tumanggap ng tig-₱70,000 na premyo.