
Nasa labing-isang mga kooperatiba na sa lalawigan ng Bulacan ang accredited na ng Social Security System (SSS) matapos lumagda ng Memorandum of Agreement bilang mga authorized collecting agent ng ahensiya.
Nito lamang Setyembre 7, 2026 ay sinaksihan mismo nina SSS Commissioner Atty. Voltaire P. Agas at Willard W. Aswigui, Special Assistant to the Corporate Head III ng Office of the President and CEO ang MOA signing ng 2 kooperatiba na ginanap sa Fortune Restaurant sa Malolos City bilang mga bagong kapartner ng ahensiya na maaari nang maghatid ng SSS services sa kanilang mga miyembro.
Ayon kay Gloria Corazon Andra, Vice President, SSS Luzon Central 2 Division, ang 2 bagong accredited Bulacan cooperatives ay ang Calumpit Responsible Entrepreneurs Savings and Credit Cooperative (CARE-SCC at Ligas Kooperatiba ng Bayan sa Pagpapaunlad (LKBP). Ito ay ika-11 nang kooperatiba sa Bulacan na awtorisado na ng ahensiya para kumolekta ng kontribusyon mula sa kanilang mga miyembro.
Ang LKBP ay 40-taon na in service at mayroong kabuuang 20,181 miyembro habang ang CARE-SCC ay nasa 29-taon in service at mayroong 2,024 na miyembro.
Ayon kay Commissioner Agas sa pamamagitan ng mga kooperatiba na magsisilbing mini satellite offices ng kanilang ahensiya ay maaari nang dito magbayad ng kanilang buwanang kontrubusyon ang mga miyembro nito at di na kailangan pang pumunta sa mga SSS branches.
Sa mga tanggapan ng kooperatibang ito maaari na nila iparating ang kanilang mga SSS concern.
Dagdag pa ni Agas, mahalaga na ang bawat Pilipino ay maging miyembro ng SSS at sa pamamagitan aniya ng MOA signing at partnership sa mga kooperatiba ay mailalapit na ang mga serbisyo at benepisyo ng ahensiya at mabigyan sila ng social security protection lalo na doon sa mga nasa laylayan o grassroots.
“Ang gusto natin ay mailapit ang SSS sa mga manggagawa lalo na sa mga laylayan ng ating society kung saan ang layunin ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ang lahat ng Pilipino ay walang tatandang pulubi, lahat ay pensiyonado.” ani Agas.
Nabatid na bukod sa emergency at calamity loans ay mayroon na rin na SSS LoanLite na isang digital microlaon o maliit na pautang sa agarang pangangailangan mula sa halagang P1,000 hanggang P 20,000 na pwedeng bayaran sa loob ng 90-araw.
Sa kaniyang mensahe, binati ni Aswigui ang SSS at mga stakeholders sa ginanap na MOA signing kasabay ng pagdiriwang ng 69th anniversary ng ahensiya kung saan ito ay mas consistent sa pag-assist ng kanilang mga miyembro at pagpapataas ng member data base.
“We are also wanted to try to have a sustainability loan within this year which is more of financing yung gusto nilang mag-avail of a solar panels with the help of SSS, the mechanics and anything and more details would come in the coming months, ayon kay Aswigui.
“We are thankful na nandyan sila but we are hopeful na from this signing it can also help influence other cooperatives not within Bulacan but nationwide na sign an ink MOA with SSS para mas maraming avenues or areas for we can collect or encourage potential members to pay their monthly premiums and also avail benefits,” ani Aswigui.
Ayon naman kay SSS Luzon Operations Group Head Vilma Agapito, nasa kabuuang 151 partners na ang SSS nationwide kung saan 61 dito ay mula sa Luzon.
Aniya pa, 28 pang qualified Bulacan cooperatives ang target ng SSS LC2 ang target nila na maging collecting agents ng ahensiya.
Nabatid na sa lalawigan ng Bulacan ay mayroong bilang na 161,710 coop members na kung saan ay umaabot ang koleksyon ng SSS sa mga ito ng P9.5-milyon.





