
Ibinida ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang ilan sa mga nai-ambag nito sa lalawigan ng Bulacan bilang isang senador sa ginanap na major rally ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas sa City of San Jose Del Monte, Bulacan nitong Biyernes.
Pormal ding inendorso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 12 kandidato ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas sa libu-libong Bulakenyo na sumuporta sa ginanap na rally.

Ayon kay Tolentino, siya ang nag-reapportion at redistricting ng congressional district sa Bulacan mula sa apat na distrito ay anim na distrito na ngayon ang lalawigan.
Siya rin ang nag-create ng City of Baliwag at nag-institutionalize ng “Tanglawan Festival” sa Lungsod ng San Jose Del Monte.
“The last bill that we approved was the bill creating Bulacan Agricultural College in San Ildefonso,” wika ng senador.
Aniya, nakaplano na rin ang batas na isusulong sa pagkakaroon ng 2 pang medical schools sa Bulacan.
Napag-alaman na noong si Tolentino pa ang NEDA Chairperson ng National Capital Region at MMDA Chairman, siya ang nag-approve ng creation ng MRT 7 papuntang San Jose Del Monte bilang final approval.
Pinasalamatan ni Tolentino ang mga taga-SJDM na palaging sumusuporta sa kaniya noon pa man at hanggang ngayon.
Si Tolentino kasama ang buong senatorial slate ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ay bumaba sa lalawigan ng Bulacan at isinagawa ang kanilang major rally sa City College of San Jose Del Monte kung saan tinatayang nasa mahigit 10,000 supporters ang nakilahok.
Kabilang sa Alyansa ay sina former senator ping Lacson, Senator Bong Revilla, former DILG Sec. Benhur Abalos, former senator Tito Sotto, former senator Manny Pacquiao, House Speaker Camille Villar, Makati Mayor Abby Binay, Senator Pia Cayetano, Senator Lito Lapid, Senator Imee Marcos at Erwin Tulfo.