200 brgys lumubog sa baha, 11,550 pamilya inilikas sa Bulacan

Tinatayang nasa mahigit 200 barangay ang lubog sa tubig baha habang 11,550 pamilya ang inilikas sa mga evacuation center bunsod ng malakas na pag-uulan dulot ng hanging habagat o southwest monsoon noong Lunes sa lalawigan ng Bulacan.

Base sa situation report (sitrep) ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Operations Center, ang mga binahang mga barangay ay mula sa halos lahat ng munisipalidad at lungsod sa lalawigan kung saan ang pinaka-nasalanta ng mataas tubig baha ay ang bayan ng Calumpit na halos lahat ng 26 barangay dito ay nakaranas ng pagbaha na 1 hanggang 6 talampakan taas ng tubig.

Pinakanasalanta ay ang Barangay Maysulao at San Miguel.

Nabatid na ang lalawigan ng Bulacan ayon sa PDRRMO ay nasa BLUE Alert Status.

As of 2:00PM ang weather advisories ng ay Bulacan 

under Red and Orange Rainfall Warning at nakaranas ng moderate rains with occasional heavy rains.

Ayon kay PDRRMO HEAD Manuel Lukban, as of August 30, 2026 10:00 AM, ang kabuuang bilang ng inilikas na  evacuees ay 11,550 families or 40,622 individuals.

Iniutos ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang mahigpit na monitoring sa lahat ng flood-affected areas para sa agarang rescue operation sa mga apektado na kailangan ng tulong para ilikas.

Patuloy din ang relief operation ng provincial government sa mga nasalanta kung saan umabot na sa 85,000 pamilya ang nabigyan ng initial food packs.

Nabatid na bagamat tumila na ang pag-uulan ay mayroon pa rin mga lugar ang lubog pa rin sa 1-3 talampakan tubig baha.