2 kelot tinadtad ng bala, natagpuang patay sa DRT

Dalawang hinihinalang mga magnanakaw ang natagpuang wala nang mga buhay sa gilid ng estero sakop ng Sitio Ahas, Brgy. Camachin, Doña Remedios Trinidad, Bulacan nitong Huwebes ng umaga.
 
Kinilala ang mga biktima na sina  Jayson Flores, 34, at Roberto Sabado, kapwa residente ng Sitio Proper, Brgy. Camachin, Doña Remedios Trinidad, Bulacan.
 
Base sa imbestigasyon, ang mga bangkay ng biktima ay natagpuan bandang alas-7:00 ng umaga na kapwa nakahalandusay at parehong may tama ng bala na hinihinalang biktima ng salvage.
 
Patuloy angisinasagawang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa kaso.