16,600 pamilya apektado ng baha, tumanggap ng food packs sa Bulacan

Personal na binisita nina Governor Daniel Fernando at Vice Governor Alex Castro ang mga Bulakenyong naapektuhan ng pagbaha dulot ng mga bagyong Luis at May May at Habagat kung saan pinagkalooban ang mga ito ng food packs at cash assistance sa isinagawang araw-araw na relief operation sa iba’t-ibang munisipalidad at lungsod mula pa noong Agosto 10 katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO). Kuha ni: ELOISA SILVERIO












Nasa kabuang 16,607 pamilyang Bulakenyo ang nakatyanggap ng food packs mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Ang  pamamahagi ay pinangunahan nina Governor Daniel R. Fernando at Vice Governor Alexis Castro kasama ang mga PSWDO personnel sa pamumuno ni Rowena Tiongson.

VICE GOV ALEX CASTRO

Ayon kay Tiongson, araw-araw ang ginagawang relief distribution sa ibat-ibang bayan sa lalawigan na sinimulan noong Lunes, Agosto 10 kung saan tumanggap ng bigas, canned goods at noodles ang bawat benepisyaryo.

Binigyan din nina Fernando at Castro ng cash assistance ang mga ito galing sa sarili nilang mga bulsa.

Sinimulan ang pamamahagi sa bayan ng Sta. Maria kung saan nasa 520 pamilya ang mga apektado ng pagbaha dulot ng mga nagdaang bagyong Luis, May May at Habagat.

Kasunod ang bayan ng Guiguinto, Balagtas at Bocaue noong Martes na mayroong 1,121 pamilya habang nitong Miyerkules at Huwebes naman sa bayan ng Calumpit na mayroong 14,966 beneficiaries ang nabigyan ng ayuda.

Ayon kay Fernando, tuloy-tuloy ang kanilang relief operations sa mga susunod pang mga linggo para mabigyan ang lahat ng mga bayan at lungsod na naapektuhan ng pagbaha.