YOUR VOTE, YOUR FUTURE

Tinatayang nasa 5,121 village officials mula sa 569 barangays sa buong lalawigan ng Bulacan ang dumalo sa “Pre-Proclamation Alliance 2022” na may temang “Our Vote, Our Future, Magseserbisyo Hindi Magnenegosyo”, isang oryentasyon para sa malinis at tapat na eleksyon sa pangunguna ng mga National Unity Party (NUP) local candidates sa pangunguna nina re-electionist Governor Daniel Fernando at ang kaniyang running-mate vice-gubernatorial candidate Bokal Alex Castro ng 4th District na ginanap sa Soldier of Christ Catholic Charismatic Healing Ministry sa Barangay Sto Cristo, Pulilan, Bulacan nitong Linggo, Marso 20, 2022. Binigyan-diin ng tambalang Fernando-Castro na kapwa mga movie-television actors turned politicians ang kahalagahan ng pagboto at ng kanilang papel bilang mga serbisyo publiko sa pagbabantay sa nalalapit na 2022 elections. Kuha ni: ELOISA SILVERIO