WALANG PASOK

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang all level suspension sa trabaho at klase ngayon araw hanggang bukas (Agosto 23-24, 2022) sa lahat ng government offices at public schools sa National Capital Region (NCR), Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales at Bataan dahil sa Severe Tropical Storm Florita.

Severe Tropical Storm Florita

Ang malakas na pag-uulan ay maaring magdulot ng panganib sa publiko base sa rekomendasyon ng Office of Civil Defense.

Ang kaparehong hakbang para sa mga pribadong paaralan at mga opisina ay nasa pagpapasya ng kanilang pamunuan.