Suspek na pumaslang kay Princess Dianne Dayor, nahuli na! 

TIMBOG! Photo: CTTO
NASA kustodiya na ng Bulacan Police ang sinasabing suspek na pumaslang sa lady engineer na apat na araw nawala bago natagpuang isang naaagnas na bangkay sa madamong lugar sa Barangay Tikay, Malolos nitong nakaraang Martes, Hulyo 5.
 
Ang suspek ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan PNP, Malolos City Police at Guiguinto Police sa bahay nito malapit sa tirahan ng biktimang si Princess Dianne Dayor, 24-anyos residente ng Barangay Tabang, Guiguinto, Bulacan.
 
Kinilala ni Bulacan PNP director Col. Charlie Cabradilla ang suspek na si Darwin De Jesus, alias “Darwin Hernandez”, nakatira sa Barangay Tabang.
 
Si Dayor ay nawala noong July 2 habang papasok sa kaniyang trabaho at mula noon ay hindi nakabalik hanggang sa matagpuan na itong isang bangkay at naaagnas na sa isang madamong bakanteng lote.
 
Kasalukuyang nakapiit sa Malolos City Police ang suspek at inihahanda na ang kasong “murder” laban dito.