MULING binuksan ngayon Hunyo 21, 2022 ang Kapatid Mentor ME Online ng DTI at Go Negosyo at 48 mentees para sa Central Luzon ang inilaan dito kung saan pito sa mga ito mula sa lalawigan ng Bulacan.
Nabatid na pangunahing tinutukan ng DTI ang sector ng Kabataan or “youth sector” na tinatayang may eded na disiotso (18) hanggang talumpu’t lima (35).
Karaniwan sa mga napiling mentees na sasailalim sa pag aaral para sa KMME Online ay mga may-ari ng handicrafts business, scented candles, cakes & pastries, processed meat at iba pang produktong kaakibat ng pagawa o pagprproseso ang napili ng DTI-Bulacan matapos ang pagsusuri ng mga dokumento ng mga aplikante at ilang masusing panayam para sa naturang programa.
Kabilang sa mga ito ay mga mentees mula sa Bulacan: Sophia Yu- Mundanebliss Novelty Shop, Plaridel, Bulacan Marilen Magtalas- Mai Desserts, Calumpit, Bulacan Angeline S. Fraginal- Green and Basic Integrated Farm, San Jose Del Monte, Bulacan Berlin Bernardo- MulberryHeals Food Products, Pulilan, Bulacan Gianna Eunice Austria- Eunique Online Shop, Baliwag, Bulacan Zoiletta R. Gatchalian- Joyeria Fashion Accessories, City of Malolos, Bulacan Lourdes Judith Oranga- Mabest Food Products, Lias, Marilao
Tinatayang mahigit na sa walong libong (8,000.00) MSMEs sa iba’t ibang parte ng bansa ang nakapagtapos sa Kapatid Mentor ME simula noong itoy inilunsad noong taong 2016.
Karaniwan itong ginagawa ng harapan o face-to-face na sa katunayan ay tatlong beses ng inilunsad sa lalawigan ng Bulacan simula noong taong 2016 hanggang 2019, subalit dahil sa presensya ng COVID-19 pandemic, itinakdang pairalin ang KMME gamit ang online at digital platforms.
Anim na pangkat na mula sa Bulacan ang nakapagtapos sa “KMME Online Program” simula noong itoy ipatupad taong 2020.
Ang KMME Online ay binubuo ng sampung (10) module na tumatalakay sa ibat-ibang aspeto ng pagnenegosyo tulad ng Marketing, Business Model, Operations Management, Accounting at iba pa, Mayroon ding dalawang module na idinagdag upang tumugon sa “new normal” na hamon sa pagnenegosyo, ang Digitilazation at Market Driven Innovation.
Ang matututunan ng mga mentees sa programa ay kanilang isasalin at gagamitin bilang “Business Improvement Plan” para sa mas ikabubuti ng kanilang mga negosyo.
Mga matagumpay na negosyante mula sa hanay ng Go Negosyo ang magsisilbing mentor para sa mga napiling kabataan upang ibahagi ang kanilang malawak na karanasan at kaalaman sa pagnenegosyo at, magsilbing gabay at inspirasyon para sa mga negosyanteng nagsisimula pa lamang tahakin ang landas ng pagiging entrepreneur.
Sa pamamagitan ng “mentoring at KMME learning sessions“ natutulungan ang maliliit na negosyante ng mga kaparaanan upang mas lalo pang palakihin ang kanilang negsoyo at bigyang solusyon ang mga balakid sa kanilang pag-unlad.
Tinatayang matatapos ang pag-aaral ng mga napiling mentees sa Setyembre 2022, kung saan magkakaroon ng graduation ceremony bilang pagkilala sa programa, sa mga ahensyang nagtataguyod nito at sa mga negosyanteng nagtiwala sa mga benipisyong kalakip ng pagsali sa Kapatid Mentor ME ng DTI at Go Negosyo.
Ang Kapatid Mentor ME ay bukas sa mga negosyanteng kwalipikado sa hinahanap na requirements ng DTI at Philippine Center for Entrepreneurship o PCE Go Negosyo. Para mag apply sa KMME program maaring lumapit sa pinkamalapit na tanggapan ng DTI o Negosyo Center.