PROJECT HOPE

MOA ON PROJECT HOPE. Nilagdaan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Dr. Cecilia S. Navasero-Gascon, presidente ng Bulacan State University, ang memorandum of agreement para sa extension service at community outreach ng BulSU na ‘Project HOPe: the Local Action Plan for Implementing the 10F Happiness Village of Senior Citizens’ sa idinaos na Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan kaninang umaga. Kasama rin sa larawan sina Bise Gobernador Alexis C. Castro, Rowena J. Tiongson, pinuno ng Provincial Social Welfare and Development Office at Propesor Victoria Valenzuela. (Photo; PPAO)