UMABOT 230 katao mula sa resetlement area sa Pandi, Bulacan ang pinakain ng Philippine Eagles Club sa isinagawang feeding outreach program sa Barangay Mapulang Lupa nitong Sabado, June 4, 2022.
Ang kauna-unahang Philippine-born fraternal socio-civic organization na tanyag bilang The Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles Club sa pamamagitan ng Hinirang Sandigan Eagles Club at Tanglaw Lahi 99 Sandigan Eagles Club Aspirants ay nagsagawa ng kanilang community service sa pamamagitan ng feeding program na mayroon temang “Kalinga sa Masa Tungo sa Pagkakaisa” na giannap sa Pandi Village 2, Atlantica Covered Court sa nasabing lugar.
Nabatid na ang samahang ito ay kabilang sa grupo na miyembro rin at suportado ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice president-elect Sarah Duterte.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Kuya Leonardo Allan Mastrili, presidente ng Hinirang Sandigan sa pakikipagtulungan ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa pangunguna ni PCol Charlie Cabradilla kung saan kasama rin ang grupo ng Bagwis-Limbas Eagles Club, Alab-Tala Eagles Club at Central Luzon Media Association (CLMA).
Kabilang din sa mga dumalo ay ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Bureau of Fire and Protection (BFO), and Bulacan PPO habang ang mga nabiyayaan sa nasabing aktibidad ay ang grupo ng Sentrong Alyansa ng Mamamayan at Kabataan Association (SAMAKA), Pagkakaisang Mamamayan Tungo sa Kaayusan (PMTK), at Kalipunan Damayan ng Mahihirap (Kadamay).
Ayon kay Mastrili, ang nasabing event ay regular na isinasagawa na naglalayon na makatulong at mapalawig ang mga gawaing community services ng Eagles Club para sa mga less fortunate.
Kasabay nito ay isinagawa rin ang General Membership Meeting para sa mga aspirante ng Tanglaw Lahi 99 na pinamumunuan ni Cabradilla na isa ring aspirante ng Eagles Club sa ilalim ng Hinirang Sandigan.
Nagkaroon din ng raffle activity cash incentive para sa mga relocatees pagkaraan ng feeding program sa inisyatibo ng Tanglaw Lahi 99 aspirants sa pangunguna ni Cabradilla kung saan ay 2 ang winner ng P5,000 each, dalawa rin ang P3,000 each, tatlo ang P2,000 each, 10 winners ng P1,000 each and 20 winners ang P500 each.
Ayon kay Cabradill, sa June 11 at June 18 itinakda ang pagpapagawa ng dalawang public comfort room na itatayo sa tabi ng Malolos City Police Station at sa Barangay Bulualto sa bayan ng San Miguel.