Pag-apaw ng Pampanga River sa NLEX-Tulaoc, San Simon ginagawan na ng aksyon

Patuloy ang isinasagawang pagkilos ng NLEX Corporation upang masolusyunan ang pagbaha sa sa ilalim ng  Tulaoc Bridge sa San Simon, Pampanga matapos umapaw ang Pampanga River na nagdulot ng matinding trapik sa northbound at southbound direction sa expressway.
 
Nabatid na simula pa noong Martes ay tuloy-tuloy ang ginagawang inspeksyon ng NLEX operations team kasabay ng paglalagay ng mga sandbags at paghigop para mabawasan at i-drain ang tubig-baha sa nasabing lugar.  
 
“Our patrol teams are onsite to manage traffic situation to ensure efficient and safe traffic flow on the expressway,” sabi ng NLEX.
 

As of 11:30 AM kanina (Huwebes) ang water level ng Pampanga river ay tumataas pa rin kaya naman bantay-sarado rito ang NLEX team at paglalagay ng sandbags.

Passable naman ang kapwa linya ng San Simon Northbound Candaba Viaduct-Tulaoc Bridge kung saan nasa 5-10 kph ang approximate running speed dahil nasa 45cm  lalim ng baha habang ang Tulaoc Bridge Southbound ay gayundin na nasa 5-10 kph ang running speed at nasa 65 cm naman ang deep flood dito.

Sa ipinalabas na statement ni NLEX Facebook Page, MPTC President and CEO Rogelio “Babes” Singson, sinabi nito na nakikipag-ugnayan na sila sa Pampanga at San Simon local government unit para maiayos ang waterways and drainage system sa area.

“In the meantime, naglagay na tayo ng sandbag and waterpump para ilabas yung tubig. Our traffic and engineering teams are on site and are continuously monitoring the situation to ensure motorists safety,” ani Singson.