IGINAWAD ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang dalawang brand new Geely Okavango Urban sa grand winners ng kanilang 2022 Happy Holideals Raffle Promo nitong Biyernes, Enero 28, 2022.
Ang nasabing raffle promo ng MPTC ay inilunsad noong Disyembre 15, 2021, bilang pasasalamat ng toll road company sa mga motorista nito na patuloy na dumadaan sa MPTC toll roads: NLEX, SCTEX, CAVITEX, CAVITEX C5 LINK, at CALAX. Ang mga registered RFID users na dumaan sa mga nabanggit na expressway nang may positibong balanse simula noong Disyembre 20, 2021 hanggang Enero 1, 2022 ay awtomatikong nagqualify sa raffle promo.
Ang dalawampu’t dalawang maswerteng nanalo ay inanunsyo noong nakaraang ika-6 ng Enero 2022 sa mga social media pages ng MPTC at sa website ng Easytrip.
Sa awarding ceremony na ginanap sa Geely North EDSA showroom, personal na binati ng MPTC President at CEO na si G. Rodrigo E. Franco ang mga grand prize winners. Kasama din sa awarding ceremony ang President at CEO ng Sojitz G Auto Philippines na si G. Yosuke Nishi na nagpaabot din ng kanyang pagbati.
“As we continuously aim to provide an exceptional level of customer service, so is our desire to express our gratitude to our motorists, especially our loyal RFID users, and we hope that this promo was able to do that. MPTC will continue to improve services and pursue different ways to reward our motorists for their patronage of our toll roads – NLEX, SCTEX, CAVITEX and CALAX as the gateway to their destinations in the North and South of Luzon “ani MPTC President and CEO, Mr. Rodrigo E. Franco sa kanyang mensahe.
Ang mga nanalo ng MPTC’s 2022 Happy Holideals Raffle Promo na Geely Okavango Urban ay sina Mischell Gonzales at Ronnick Royal habang tig-P100,000 cash prize winners ay sina Michael Dominic Salvacion, Claren Welch Sison , Rodolfo Roblelos , Donna Vergara, Clariezel Dizon, Danilo Geronimo, Elizabeth Nicolas at Grace Valencia.
Jaime Cu, Andrea Jean Rodriguez, Jayson Lloyd Geraldino, Mcniel Viray, Donald Cornel, Virgie Lyn Ranay, Demetrio Buenaflor Jr, Lawrence Twano, Emerson Elaco, Archimar Martin, Abelardo De Jesus Jr. at Shereen Estilong.
Ang MPTC ay ang pinakamalaking tollway builder at operator sa bansa. Bukod sa NLEX, SCTEX, CAVITEX, CAVITEX C5 Link, at CALAX, hawak rin nito ang concession para sa upcoming Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.