LEGASIYA NI MAYOR JONI TULOY NA SA BOCAUE

Bocaue Mayor Jon-Jon Villanueva at Vice Mayor Sherwin Tugna
PUNO ng galak at pagpupunyagi ang bayan ng Bocaue, Bulacan dahil sa muling pagbabalik ng sigla ng lokal na pamahalaan sa bagong lideratong hatid nina Mayor Jonjon Villanueva at Vice Mayor Sherwin Tugna para sa isang righteous governance at sa pagpapatuloy na rin nang naiwang legasiya ng namayapang si Mayor Joni Villanueva-Tugna. 
 
 
Ang panunumpa at pagtatalaga sa tungkulin ni Mayor JonJon Villanueva ng Bocaue, Bulacan kasama ang buo nitong pamilya na pinangasiwaan ni Bulacan RTC Executive Judge Olivia Samar na ginanap noong June 30, 2022. Kuha ni ELOISA SILVERIO
 
 
Mainit ang naging pagsalubong ng mga empleyado ng Pamahalaang Lokal ng Bocaue kay Villanueva at Tugna sa unang araw ng kanilang paglilingkod sa ginanap na first flag ceremony at inaugural session kamakailan.
 
 
Si Mayor JJV Villanueva ang nakatatandang kapatid at si Vice Mayor Tugna naman ang balo ng namayapang si Mayor Joni noong kasagsagan ng unang taon ng Covid-19 pandemic.
 
 
Sa kanilang mga talumpati noong June 30 sa ginanap na inagurasyon ng pagtatalaga sa tungkulin, kapwa nila tiniyak sa bawat Bocaueño na tuloy-tuloy na at wala nang makakapigil sa pagbuhay sa legasiya ni Mayor Joni na mapanatiling nasa mabuti, maayos at mataas ang antas ng bayan ng Bocaue.
 
Mayor JJV Villanueva
 
“Buo ang loob ko na muli kayong paglingkuran (Bocaueños) sa abot ng aking makakaya para sa isang pamayanang maunlad at payapa,” ayon kay Villanueva.
 
 
 
Tinawag naman ni Senator Joel Villanueva, kapatid ng alkalde na “calling” ang pagbabalik at muling pagsakripisyo ni Mayor JJV upang magawa ang hinihiling tungkulin at obligasyon na mapaglingkuran ang minamahal niyang Bocaueño.
 
 
“Mayor Jonjon came back and walk the extra mile to sacrifice, to ensure that he is going to contribute in the legacy of Mayor Joni, kaya sa mga oras na ito masasabi ko na… Napakasarap maging Bocaueño!” ayon sa senador.
 
 
Dagdag pa ni Sen. Villanueva, ang pagkakaluklok kay JJV at Tugna ay kaloob ng Diyos mula sa mga panalangin ng mga Bocaueño na magkaroon ng righteous governance ang bayan ng Bocaue.
 
MAYOR JONI’S LEGACY CONTINUES–Bocaue town Vice Mayor Sherwin Tugna, widow of late Mayor Joni Villanueva takes oath before Bulacan RTC Exec. Judge Olivia Samar (left) with father-in-law CIBAC Partylist Cong. Bro. Eddie Villanueva. Joining them are Tugna’s children Joacquin, Elea, Lexi Joy and Doreen held last June 30, 2022. Photo by ERICK SILVERIO
 
Ayon naman kay VMayor Tugna, pagtutuunan nila ng pansin ang trabaho, kalusugan at edukasyon kung kayat nakikipag-ugnayan na siya sa mga nasyunal na ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department Of Labor and Employment (DOLE), Department Of Health (DOH), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Education (DepEd) para sa mas produktibong mga programa sa susunod na tatlong taon ng kaniyang termino.
Vice Mayor Sherwin Tugna
 
 
 
 
“Sinisimulan na po natin ang pagbalangkas ng mga ordinansa na direktang tutugon at magbibigay ginhawa at magpapataas ng antas ng bawat Bocaueño,” wika ni Tugna.
 
 
Pinasalamatan ng dalawa una na ang Diyos, ang kanilang pamilya at bawat Bocaueño na nagtiwala at sumuporta sa kanila.