“Hindi Bale Nang Mabagal Basta’t Umuusad”, Eskuwela De Kolehiyo Kit Project ng SK Poblacion 1

“ESKUWELA DE KOLEHIYO KIT PROJECT!- Naghandog ng proyektong “Eskwela de Kolehiyo Kit Project” ang Sangguniang Kabataan (SK) Poblacion 1 na may temang “Hindi Bale Nang Mabagal Basta’t Umuusad” para sa mga Senior High School at College students sa nasabing lugar nitong Disyembre 05, 2021 na ginanap sa Barangay Hall sa bayan ng Marilao, Bulacan.

Ang naturang proyekto ay buhat sa inisyatibo at sa panguunguna ni SK Chairperson Kat Santos katuwang si Poblacion 1 Punong Barangay Rody San Juan kasama si Kgwd, Jeffrey Andres.

Nitong nakaraang Linggo, Disyembre 5 ay isang makabuluhang programa para sa mga mag-aaral ang inilunsad ng Sangguniang Kabataan (SK) Poblacion 1 kung saan namahagi sila ng mga gamit pang eskuwela sa mga mag-aaral mula sa Senior High School at kolehiyo katuwang ang lokal na pamahalaan ng Barangay Poblacion 1.ts nitong Disyembre 05, 2021 na ginanap sa Barangay Hall sa bayan ng Marilao, Bulacan sa panguunguna ni SK Chairperson Kat Santos katuwang si Punong Barangay Rody San Juan kasama si Kgwd, Jeffrey Andres. Patunay ito na kahit pandemya ay nagkapaghahandog pa rin ng kapaki-pakinabang na proyekto ang pamunuan ng SK kabilang sina SK Kagawad: Trixy Gallardo, Geraldine Domingo, Ivan Vargas, Karlmaloon Labudlay at Ivi Vargas- Treasurer. Photo by TROY GALLARDO

“Importanteng kahit sa maliit na bagay ay nakakapaghatid tayo ng tulong sa ating mga kabataang estudyante kahit nasa gitna ng umiiral na global health crisis,” wika ni SK Chair Santos.

Patunay ito na kahit pandemya ay nagkapaghahandog pa rin ng kapaki-pakinabang na proyekto ang pamunuan ng SK kabilang sina SK Kagawad: Trixy Gallardo, Geraldine Domingo, Ivan Vargas, Karlmaloon Labudlay at Ivi Vargas- Treasurer. (TROY GALLARDO)