Gumagalang buwaya sa Guiguinto, nahuli na

Ang sinasabing buwaya na nahuli sa ilog ng Guiguinto nitong Linggo, July 17 sa Barangay Malis. Larawan mula sa Facebook post (CTTO)
TILA nabawasan na ang pangamba ng mga residente sa bayan ng Guiguinto, Bulacan partikular na sa mga kalapit bahay ng ilog dito makaraang mahuli na ang kinatatakutang buwaya na namataang pagala-gala sa nasabing lugar.
 
Kinumpirma ni Guiguinto Mayor Paula Agatha “Agay” Cruz ang pagkakahuli sa buwaya bandang alas-2:00 nitong Linggo sa riverbank ng Sitio Tabon, Barangay Malis.
 
Ayon kay Mayor Cruz, ang nasabing buwaya ay mahigit sa 4 na talampakan ang haba kung saan ito ay nai-turn over na sa Biodiversity Management Bureau (BMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
 
Magugunita na nakipag-ugnayan ang pamahalaang lokal ng Guiguinto sa pangunguna ni Mayor Agay sa tanggapan ng BMB-DENR  makaraang mabalot sa takot ang mga residente rito nang mamataan sa Guiguinto River ang nasabing buwaya.
 
Ayon kay Donie Glico, residente ng Barangay Sta Cruz katabi ng ilog at isa sa nakakita sa buwaya nitong nakaraang mga araw na naniniwala siya na ang nahuling buwaya ay hindi ang nakita niya na lumalangoy kamakailan.
 
“Parang maliit yun nahuli compare sa namataan namin nakalutang sa ilog,” Glico said.
 
Naniniwala rin ang ibang mga residente rito na hindi iisa lang ang buwayang gumagala sa kanilang kailugan kaya’t nababahala pa rin sila sa kanilang kaligtasan.
 
Featured image: JAIME DELA CRUZ