Ginang dedo sa 2 kawatan

PATAY ang isang 55-anyos na ginang matapos holdapin at pagbabarilin ng isa sa dalawang armadong robbery suspects nitong Biyernes ng madaling-araw sa Barangay Malis, Guiguinto, Bulacan.
Kinilala ni PLtCol. Jowilouie Bilaro, hepe ng Guiguinto Police ang biktima na si Imelda Cabigting, married, vendor, residente ng B-27, L-19-Ph-2, Northville 7, Brgy Malis ng nasabing bayan.
Arestado naman sa isinagawang pursuit operation ng Guiguinto Police ang mga suspek na sina Juan Mejica alyas โ€œBakalโ€ ng Phase 2, Northville 7 at Leonard Manota, residente ng Sta Clara Estate, Guiguinto.
Base sa panimulang imbestigasyon, naganap ang panghoholdap bandang alas-2:00 ng madaling-araw habang ang biktima ay sakay ng tricycle na minamaneho ng live-in partner nito na si Charlie Arena papunta sanang Balagtas Market upang mamili ng isdaat gulay.
Nabatid na bigla silang sinabayan ng mga suspek sakay ng single motorcycle at pinatabi ang tricycle kung saan bumaba ang angkas na suspek na armado ng baril at idineklara ang panghoholdap.
Hningi ng suspek ang bag ng biktimang si Cabigting subalit tumanggi ito kaya binaril siya ng suspek ng tatlong beses habang ang kasama nito ay tumakbo para humingi ng saklolo. Matapos makuha ang bag ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Barangay Tabe.
Sa agarang responde ng pulisya Kaugnay ng inilunsad na manhunt operation ay kaagad naaresto ang mga suspek na positibong kinilala ni Arena.