Parusa nga ba ang karagdagang dalawang taon sa pagaaral ng mga magaaral? Itong sinasabing grade 11 at 12? Ilan sa mga nakahuntahan nating namimili ng tahong sa isang talipapa, ito anila ay pasanin at waring hindi na makatwiran. Ayon sa isang ginang, imbes na makatapos ang aming anak ng apat na taon sa High School at makapagpatuloy na sa Kolehiyo ay nababalam pa. Sa dalawang taon na karagdagan ay tiyak na makakapagtrabho na ang aming anak at makatutulong na din sa aming buhay.
Batay naman sa reaksyon ng isa pang ginang, aniya ang dalawang dagdag na taon sa students ay hindi basis para sabihing ‘competitive’ na ang mga magaaral, bagkus ito ay dagdag sa pahirap sa parte ng mga magulang, dahil dagdag sa gastos at taon na ilalaan ng mag aaral na kung tutuusin ito ay katumbas ng koleheyo. At sobrang haba ng taon ng pag aaral ng mga bata mula, kinder hanggang senior high school, kung bibilangin ang taon ay sobra-sobra at aabot sa ‘14 yrs of schooling’ dapat ’instead of k 12.’
Sambit naman ng tindera ng tahong, sa ganitong pamamaraan ay mapapalakas at madaragdagan ang ‘knowledge ‘at mga ‘machine as far as education is concern.’ Para mas maibigay ng maayos sa mga ‘students’ ang nararapat nilang malaman pa, at upang ma-‘develop’ ang mga ‘skills and knowledge needed’ at ma-‘identify’ ng magaaral, na ma-‘develop’ at ma-‘cope’ nila ang mga ‘challenges they met.’
Tsk! Tsk! Tsk! Kailangan siguro na imbes na dagdagan ng dalawang taon ang pagaaral ng mga istudyante ay mas maraming pagsasanay para sa mga tagapagturo. Para ma-‘feed’ nila ang mga ‘learnings’ sa bata bigyan ng sapat na budget, upang mas maka-‘adopt’ sa mga ‘new technologies and approach’ ng hindi ma-‘left behind’ ng mga ibang bansa ‘when it comes to education.’
Batay sa ating nakalap ang pinakamahalagang dahilan kung bakit ipinatupad ang K to 12 program? Ay naglalayong lumikha ng mas maraming ‘skilled students’ na may mga ‘basic skills’ para sa habambuhay na pag-aaral at trabaho. Ito ay magbubunga ng ‘Employable Senior Graduates.’ Bukod sa isang mas malinaw na track, ang K to 12 ay nagbibigay din sa mga mag-aaral ng mga kinakailangang kasanayan at kaalaman upang madaling magamit kung nais nilang magtrabaho pagkatapos ng ‘senior high school.’
Subalit ang karagdagang gastusin sa panig ng mga magulang, lalo at sila ay nawalan ng trabaho, anong suporta pa ang maibibigay nila sa kanilang mga anak na nagaaral? Sa taas ng mga bilihin at kumekending na ekonomiya ay mahihirapan pa nilang bunuin ang dalawang taon na idinagdag sa edukasyon ng kanilang mga anak. Karamihan sa mga mag-aaral ay nahaharap sa ilang hamon, halimbawa ay problema sa pamilya, kahirapan, at malaking bilang ng mga mag-aaral sa bawat silid-aralan, kawalan ng motibasyon at mababang tiwala sa sarili, kahirapan sa agham at pambu-bully. Ang bawat isa sa mga problemang ito ay naglalagay ng malaking epekto sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Kahit na may tulong pa mula sa Gobyerno, tulad ng ginagawa nitong Private Education Assistance Committee (PEAC,) ang mga magulang ay kailangan pa ring gumastos sa mga baon at pasahe ng mga anak nilang nagaaral. Suhestiyon ng mga magulang na ating napagtanungan hinggil sa isyung ito, na ibalik na sa dating apat na taon, at alisin na ang karagdagang dalawang taon na sinasabing magastos at pahirap sa mga magaaral. Hanggang sa muli.