CONG. BOY CRUZ PANALO SA DISTRITO SINGKO

Congressman-elect Ambrosio “Boy” Cruz Jr. Fifth District, Bulacan
PORMAL nang nai-proklama si Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz Jr. bilang nanalong Kinatawan ng Fifth District ng Bulacan.
 
KInasasabikan na ng mga taga-Distrito Singko mula sa bayan ng Guiguinto, Bocaue, Balagtas at Pandi ang progresibo at tapat na paglilingkod na ihahatid ni Cong. Cruz.
 
Si Cong. Cruz ay bahagi na ng kasaysayan ng Distrito Singko bilang kauna-unahang halal na kongresista buhat nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang reapportioning ng lalawigan ng Bulacan mula sa apat na distrito ay nadagdagan ito ng 2 pang distrito.
 
Matatandaan noong Mayo 2021 nang lagdaan ni Duterte ang nasabing redistricting ng Bulacan.
 
Ginapi ni Cruz ang kaniyang katunggaling si Arnel Alcaraz nang mahigit 15,000 kalamangan.
 
Lubos naman ang pasasalamat ni Cruz sa lahat ng sumuporta at bumoto kung saan pangako nito ang maayos, tapat at paglilingkod nang buong puso.
 
Si Cruz ay pangulo ng Bulacan Mayors League at nakatapos ng 2-season three terms bilang alkalde.