Bulacan nakiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day

ANG Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa pamumuno nina People’s Governor Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alex Castro, kasama ang buong Sangguniang Panlalawigan, ay nakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day!
 
Ayon kay Bise Gob. Alex Castro, kasama siya sa tunay na nagpupugay sa ambag ng mga kababaihan sa pamayanan.
 
“Hindi po natitimbang at nasusukat sa kasarian ang kayang ibahagi ng bawat isa sa ating lipunan. Saludo po kami sa mga kababaihang Bulakenyo! Mabuhay po ang lahat ng mga kababaihan sa buong mundo!,” wika ni Castro.
 
Aniya, ang kababaihan ay hindi lamang ilaw ng mga tahanan kundi larawan sila ng kabayanihan sa larangan ng pag-aaruga at kasamang nagpapatibay ng isang pamilya.