
Sinisimulan na ng City Government ng Malolos ang pagpapatupad ng green procurement upang ganap na maging isang environmental friendly o “circular environment’ na ang lungsod.
Ayon kay Mayor Christian Natividad, nakalatag na sa Sangguniang Panglungsod ng Malolos ang naturang ordinansa para pagtibayin na maging isang batas at ma-institutionalize na maging E-Procurement City Ordinance.
Nabatid na ang City of Malolos ay isa sa mga unang local government unit sa bansa as early as two years ago na nakapg-issue through Executive Order for green procurement.
Kaaakibat sa ordinansang ipatutupad ay nag-aatas na lahat ng nakapasok na investment plan at ano mang annual procurement plan, kung saan ang kailangang bilhin ng kanilang pamahalaan ay dapat environmental friendly or green procurement.
Ayon kay Natividad, maging ang mga establisyimento na itatayo pa lang ay inatasan din na gumamit ng green cement at green hollow blocks na sila na rin ng pamahalaang lungsod ang nagsu-supply.
Dagdag pa ng alkalde na ang mga pinamimigay nilang mga hollow blocks ay gawa mula sa mga basurahan na siyang gagamitin sa konstruksyon ng mga gusali at tulay- ay mayroong component ng green procurement at environmental friendly.
Napag-alaman upang maging ganap na isang “circular environment’ ang kanilang lungsod ay nakatakda na nang simulan ang pagpapatayo ng isang hub kung saan ito ay isang partnership with United Nation na tatawaging ‘UN Debri Hub’.
Kasunod nito ang pagbili ng mga electronic vehicle services ng lungsod mula sa mga barangay, head offices at Kapulisan upang hindi na gumamit ng petrolyo.
“This is where the governance of malolos City is going, we are more on the innovative and resourceful side. We should adopt to the changing of the times. Hindi pwedeng lagi tayong naka-default, kaya lagi tayong napag-iiwanan,” wika ni Natividad.





