
Nahaharap sa kasong graft at malversation ang kontratistang sina Curlee at Sarah Discaya ng St. Timothy Construction Corp., matapos isampa ng Office of the Ombudsman at Department of Public Works Highways (DPWH) ang reklamo kaugnay ng maanomalyang flood control project sa Bulacan sa Clerk of Court ng Malolos Regional Trial Court (RTC) Huwebes ng umaga.
Ang kaso ay isinampa nina DPWH Secretary Vince Dizon at Assistant Ombudsman Mico Clavano laban sa mga kontratista at iba pang opisyal ng DPWH 1st District Engineering Office.
Batay sa reklamong inihain ayon kay Dizon, iniuugnay ang mag-asawa sa mga alegasyon ng iregularidad sa implementasyon at paggamit ng pondo para sa naturang proyekto o substandard flood control project sa Barangay Bulusan, Calumpit.
“Nandito tayo ngayon at finile na natin finally ng non-bailable na kaso of malversation si Curlee Discaya. Siguro, hopefully, sa mga susunod na araw finally din maaresto na siya, tulad ng kanyang asawa at tulad din ng mga kakontsaba nila sa loob ng DPWH,
pati na rin ‘yung mga kakontsaba nilang ibang mga opsiyal ng gobyerno,” wika ni Dizon.
Sinabi pa ni Dizon na ang kasong isinampa ay non-bailable at kasunod na hihintayin ay ang paglabas ng arrest warrant.
Kasama sa reklamo ang ilang opisyal ng DPWH-Bulacan 1st District Engineering Office na sina Merg Jaron C. Laus, Brice Ericson D. Hernandez, Jaypee D. Mendoza, Ernesto C. Galang, Norberto D. Santos, Lorenzo A. Pagtalunan, Juanito C. Mendoza at Floralyn Y. Simbulan.
Dawit din sa reklamo si Ma. Roma Angeline D. Rimando ng St. Timothy Construction Corporation.
“Dito sa kasong finile ngayon ng
Ombudsman ay kampante tayo na talagang mananagot sina Curlee Discaya at ‘yung iba pang sampung
kasama sa kasong ito, dagdag pa ni Dizon.
Magugunita na si Curlee Discaya ay nananatili sa under Senate custody mula pa noong September 2025 makaraang ma-cite in contempt ng Senate Blue Ribbon
Committee dahil sa umanoy pagbibigay ng inconsistent information tungkol sa absence ng kaniyang asawa habang ginaganap ang committee’s flood control hearings.
Si Sarah Discaya naman ay kasalukuyang nakapiit Lapu-Lapu City Jail Female Dormitory sa Mactan, Cebu kaugnay din ng kinakaharap nitong non-bailable charges of graft and malversation matapos iugnay ng kaniyang pagkakasangkot sa P96.5-million ghost flood control project sa Davao.
Nabatid na aabot sa halagang P70.34 billion flood control project ang inilaan sa lalawigan ng Bukacan pa lang mula taong 2022-2025.





