2021 PBA 3X3 Grand Finals naibulsa ng Limitless

PBA Comm. Willie Marcial

Naibulsa ng Limitless Appmasters ang titulo sa Grand Finals ng unang season ng 2021 PBA 3×3 matapos talunin ang Platinum Karaoke sa score na 18-16 nitong Miyerkoles.

Naging kapanapanabik ang huling mga minuto nang magtabla sa 16-all ang labanan pero tinuldukan ng koponan ng Limitless ang unang season ng PBA 3×3 makaraang tanghaling grand champion.

Lumamang agad ang Limitless, 13-7, ngunit ‘di sumuko ang Platinum sa likod ni Karl Dehesa at itinabla ang laban sa 16-all.

Ngunit ang split charities ni Jorey Napoles na sinundan pa ng isang basket ni Reymar Caduyac ang nagselyo ng panalo para sa Appmasters, na siyang affiliate ng Phoenix Super LPG.

Tuma koponan sa pangunguna nina Napoles, Caduyac, Brandon Rosser at Marvin Hayes habang mapupunta naman sa Platinum ang premyo na P250,000.

Unang dinaig ng Limitless ang San Miguel sa quarterfinals, 21-15, bago talunin ang TNT Tropang Giga, 21-16, sa semi-finals at sa pagtatapos ng serye ay 18-16 laban sa Platinum.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, inaasahang madadagdagan pa ng isa hanggang dalawa ang koponan na sasali sa susunod na season na may 6 leg at magsisimula sa Enero 8 sa susunod na taon.