2 pulis Mabalacat tinadtad ng bala, patay

HINDI bababa sa limang armadong mga suspek ang walang habas na pinagbabaril ang dalawang pulis na naka-assign sa Mabalacat Police Station habang nagsasagawa ng anti-illegal drugs operation sa Mabalacat, Pampanga.
 
Base sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-3:40 ng madaling-araw ng Sabado, Disyembre 3, 2022 ay limang armadong mga suspek na naka-bonet sakay ng motorsiklo ang pinaulanan ng bala ang mga biktima na noo’y nagsasagawa ng drug operation sa Barangay Dau sa nasabing lugar.
 
Kinilala ang mga biktima na sina Senior Master Sgt. Sofronio Capitle Jr. at Staff Sgt. Dominador Gacusan Jr., kapwa nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Mabalacat PNP.
 
Samantala, agad na inatasan ni Police Regional Office 3 (PRO3) director BGen Cesar Pasiwen si Pampanga police director Col Levi Basilio na magsagawa ng malalilamng imbestigasyon kaugnay ng pagkakapaslang sa dalawang pulis para sa agarang resolba ng kaso at upang mabigyan agad ng hustisya ang mga biktima.
 
Aniya, hindi titigil ang kapulisan hanggat hindi nananagot ang mga salarin sa krimen.
 
“No stone will be left unturned and authorities are exerting all efforts for the swift justice of the slain cops,” wika ni Pasiwen.