Ako na nakatira sa bayan ng Sta.Maria sa lalawigang Bulacan, ni minsan ay hindi tinanong o natanong sa mga naglalabasang survey na ‘yan.
Kaya nga ‘eto ang tanong ko, saan ba sila kumukuha ng datus para i-post sa social media na ang mga kandidato nila ang mga nangunguna sa survey?
Teka, sino ba talaga kasi ang tinanong sa naglalabasang survey na ‘yan at sino-sino ang mga binabanggit nilang tao na ipinost pa mandin sa social media pero tinatakpan ang mga mukha?
Kitang-kita naman at talagang nababasa na one-sided ang sinasabi nilang survey kaya ‘ika nga ng iba, gawa-gawa lang ito ng mga pulpol na trolls.
Tanong ko pa, hahayaan ba natin ang ibang tao na impluwensiyahan ang pananaw mo, hahayaan ba natin ang ka-emohan na mag-take over sa’yo, hahayaan ba natin na ma-hypnotize ka ng catchy jingle niya, hahayaan ba natin ang kandidato niya na maupo ulit sa puwesto at gawing pahingahan ang pamahalaang-bayan sa pagsapit ng dapit-hapon?
Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili kaya dapat ay pag-aralang maigi ang mga kandidato at itanong sa sarili, ano na ba ang nagawa ng taong ito?
Naupo na siya sa pero ano nga ba ang nagawa niya noong siya ay naupo sa tinatakbuhang posisyon o anong mga batas ang kanyang naiambag na nakatulong at naging epektibo sa mamamayan?
Silipin o namnaming mabuti kung ang kanyang mga plataporma ay sapat na para siya ay suporthan at paniwalaan dahil kahit sa maliit na paraan ay makikita kung ano ang kaya niyang gawin sa lipunan.
Kaya ako, ikaw o tayo, ‘wag maniwala sa mga survey ng mga pulpol na trolls na ‘yan, ang paniwalaan mo ay ang sarili mong diskarte at ‘wag pailalim sa kanilang mga kenkoy na kaisipan.