ANG isyu daw, sabi ng iba, ang kahirapan ang pangunahing problema ng Pilipinas? At minsan ay naging pangalawang pinakamayaman ang ating bansa sa Asya, ngunit ngayon dahil sa digmaan at katiwalian ang Pilipinas ay nalugmok na sa kahirapan.
Tsk! Tsk! Tsk! Bagamat may katotohanan, pero matagal na ang isyung iyan. Ang isyu ngayon ay kung sino ang totoong tapat na lider na mailululok natin sa kapangyarihan, na may puso at may mga programang makapagtatawid sa atin sa kahirapan. Siyang gagabay upang ang ganap na kahirapan ng bansa, na ating nararanasan ay lubusang maglaho o mabawasan man lang.
Sa kasalukyan dahil na rin sa giyerang Ruso at Ukraine, ay lubhang nakadidismaya ang galaw ng presyo sa ating merkado. Biglaang pagtaas sa halaga ng presyo ng gasolina, kasunod ng pagtaas ng mga pasahe, ang halaga ng mga pangunahing bilihin at iba pa.
Ano na ang gagawin ng ating Pamahalaan upang ma-resolba ang kasalukuyang problemang nararamdaman at kinahaharap ng taumbayan? Sino ang lider na may totoong malasakit sa bansa?
Sa ating nakakalap na impormasyon, at napapanood sa Social Media, ang katigasan ng kasalukuyang Pangulong Putin ng Russia, ay dama ng buong mundo. Hindi natin alam kung kailangan magwawakas ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Kung tatagal ito o mandadamay pa ng iba pang bansa, na pangunahing kaalyado sa ekonomiya ng Pilipinas, tiyak na titindi ang depresyon. Pang-matagalan ang kawalan ng pagkakakitaan, at dislokasyon sa pamumuhay.
Isantabi na muna natin ang usaping isyung edukasyon, imprastraktura at polusyon. Sa ngayon ang idinadaing ng taumbayan ay ang walang ampat na pagtaas ng halaga ng krudo. Dito magsisimula ang kapit-kapit na problema. Hanggat nasa wastong kaisipan pa ang maraming Pilipino, at tumitingin pa sa kakayahan ng ating pamahalaan upang magbigay ng solusyon, ay kailangan ng maging ‘pro-active,’ ang ating Gobyerno o ang magiging gawi ng ating ilalagay na lider sa kapangyarihan sa darating na Halalan 2022.
Hindi maiiwasan ang epidemya ng karahasan dahil sa nararanasang kahirapan, kailangan ang magiging lider ng ating Pamahalaan ay may damdamin at talino, may kakayahang hikayatin ang pribadong sektor na makipagtulungan, at bumuo ng programang paano malalabanan ang kahirapan, ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina at iba ipa, sa panahon ng krisis na ating kinahaharap ngayon. Gawing oportunidad ang nangyayaring giyera sa ibayong dagat, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkakakitaan sa sambayanan. Kayong mga tunay na magiging lider ng bansa, ay nasa inyo na kung paano ninyo isasaayos ang ating ekonomiya, at ang kalagayan ng buhay ng mga umaasang mamamayan sa inyo.
AMBIDA, BIDA SA OKASYON NG CCSJDM
Sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) pinangunahang saksihan ni Mayor Arturo B. Robes, ang seremonya ng paglada, Memorandum Of Agreement (MOA,) at handover ng Sertipiko ng may Institusyunal na pagkilala at parangal (Investiture) ng City College of San Jose del Monte, sa bagong Presidente nito na si Dr. Roger Ambida, PhD, noong Ika-10 ng Marso, 2022, ginanap sa LSJDM Convention Center, Lalawigan ng Bulacan.
Ang City College of San Jose Del Monte, ay isa na ngayon sa mga partner ng mas mataas na institusyong pang-edukasyon ng CHED at UniFAST, na nag-aalok ng Libreng Higher Education (FHE) at Tertiary Education Subsidy (TES) program sa ilalim ng Republika ng 10931.
Kabilang sa mga naging saksi ay sina City Administrator Dr. Dennis M. Booth, CHED Regional Office Director Dr. Leonidas B. Sigua-Calagui, Executive Director of UniFAST Atty. Ryan L. Estevez, Members of the Association of Local Colleges and Universities Region III, Member of Board of Trustees of City College, Department Heads and the Barangay Chairpersons of the City, Academic and Administrative Council, faculty members, parents and student leaders. (Salamat kay Dr. Orlando Molina, PhD, sa pagbibigay ng ‘info’ at pagaasikaso ng mga larawan.)