Pinangunahan ni Sen. Maria Imelda Josefa “Imee” Marcos ang distribusyon ng cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 3,500 Bulakenyo nitong Huwebes, Oktubre 19, 2023.
Binisita ni Marcos ang mga bayan ng San Miguel, Bustos at City of San Jose Del Monte (CSJDM) para isagawa ang pamamahagi kasama ang DSWD personnel at mga local officials sa mga nasabing lugar.
Una nitong binista ang bayan ng San Miguel sa municipal covered court kung saan nasa inisyal na 500 miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) rito ang tumanggap ng P3,000 each.
Sumunod ay tinungo nito ang Bustos Gymnasium sa bayan ng Bustos at kasama si Mayor Francis Albert Juan ay isinagawa rin ang AICS payout para sa 1,000 benepisyaryo ng nasabi ring halaga.
Agad naman dumeretso si Sen. Marcos sa San Jose Del Monte Sports Complex at nasa 2,000 estudyante ng Bulacan State University-CSJDM Campus ang nabiyayaan ng tig-5,000 cash assistance.
Namigay din si Marcos ng computer sets sa mga university organizations dito.