SEA AMBULANCE PARA SA OSPITAL SA COASTAL AREA NG BULACAN 

SEA AMBULANCE PARA SA OSPITAL SA COASTAL AREA NG BULACAN 
Pinangunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando kasama si OIC Dr. Alfredo B. Agmata, Jr. ang paglilipat ng bagong sea ambulance sa Felix T. Reyes Extension Hospital na matatagpuan sa Brgy. Pamarawan, Lungsod ng Malolos, Bulacan sa ginanap na Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium Lunes, Enero 16, 2022. Kasama rin nila sa sina (mula kaliwa) Dr. Angelito D. Trinidad ng Baliwag District Hospital, Dr. Analiz Crisostomo ng Plaridel Infirmary (Bulacan Medical Center Annex,) Dr. Hjordis Marushka Celis, Bulacan Medical Center Director, Kapitan Cesar Bartolome ng Brgy. Pamarawan, Kapitan Arnel Cabantog ng Brgy. Masile at Dr. Protacio Bajao. INSET. Ang bagong sea ambulance para sa FTR Extension Hospital na mayroong isang medical bed, portable stretcher, cabinet at iba pa at may sukat na  32 talampakan sa haba, 8 talampakan molded beam, may lalim na 3.11 talapamkan, 20-30 knots na bilis at may kapasidad na magkarga ng anim hanggang walong katao.
NAGKALOOB ang Provincial Government ng Bulacan ng isang sea ambulance para sa Felix T. Reyes Extension Hospital, ang pagamutan na matatagpuan sa coastal area sa Barangay Pamarawan sa Lungsod ng Malolos.
 
Sa isinagawang seremonya nitong Lunes, pinangunahan ni Governor Daniel Fernando ang turnover ng nasabing sea ambulance na siyang gagamitin ng FTR Hospital sa pagsundo at hatid  sa mga pasyente.
 
Ayon kay Fernando, ito ang kauna-unahang sea ambulance sa buong Central Luzon kung saan napakahalaga para matugunan ang medical emergency situation sa coastal areas.
 
“Felix T. Reyes Extension Hospital is the only hospital in the coastal areas of the City of Malolos managed by the PGB and it is essential that the said hospital is equipped with the necessary medical equipment and facilities to further save and cure ailing Bulakenyos”, ani Fernando.
 
Ang emergency medical assistance at serbisyo nito ay available 24/7 para sa mga residente ng Barangay Pamarawan, at kalapit na bayan gaya ng Caliligawan, Namayan, Masile, Babatnin, Lantad, Masukol at Pugad.
 
Ayon kay Katrina Anne Balingit, hepe ng Provincial Public Affairs Office, ito ay nagkakahalaga ng P8M at mayroong isang medical bed, portable stretcher, cabinet at ibanf fundamentals. 
 
Ang sukat nito ay 32 feet in length, 8 feet molded beam, 3.11 feet depth, 20-30 knots speed, at kaya maglulan ng anim hanggang walo katao.
 
Pinasalamatan naman ni Dr. Alfredo B. Agmata, Jr., OIC of FTR Extension Hospital ang Patuloy na suporta ng gobernador at kaniyang effort para maisakatuparan ito.