Sa Angat “Team JumNar” pa rin!

Angat vice-mayoral candidate incumbent Mayor Leonardo “Narding” De Leon
ANGAT, Bulacan–Nagkakaisa ang buong bayan ng Angat, Bulacan sa pagsuporta sa tambalan nila mayoralty at vice-mayoralty candidate Leobardo “Jumong” Piadozo bilang mayor at Mayor Leonardo “Alamat” Narding De Leon bilang vice mayor.
 
Ang “JumNar” tandem ay patuloy na umaani ng suporta mula sa mga mamamayan ng nasabing bayan dahil na rin sa buong tiwala at paninindigan na sila Piadozo at De Leon ang tamang mga lider na mamumuno sa bayan ng Angat.
 
“Team JumNar” motorcade rally
 
Kamakailan lamang ay isang motorcade rally ang isinagawa kung saan ay naglabasan ang libu-libong residente rito at mainit na sinalubong ang Team JumNar.
 
Sa naturang motorcade rally, alas 6:00 pa lang ng umaga ay nagtipon-tipon na ang lahat sa Villa De San Pablo subdivision sa  Barangay Niugan para sa naturang aktibidad na nagtapos sa harapan ng munisipyo.

Ayon kay Gabriel Ignacio, special assistant ni Mayor De Leon, umabot sa 7,000 ang mga lumahok sa motorcade upang ipakita ang suporta sa JumNar team. 

Nabatid na umabot sa 135 na jeepneys, 960 na tricycle, 1,800 na riders, 100 private vehicles, 20 elf, 2 bus, 9 motorized sound system ang lumahok sa motorcade at 6,500 food packs naman ang inihanda nilang pagkain para sa dami ng nasabing mga volunteers na nangakong ang Team JumNar ang dadalhin sa darating na 2022 elections. 
 
Bukod sa Team JumNar na kinabibilangan ng mga konsehales na sina Konsehal Bong Andres, Bing Cruz at municipal administrator Claris De Leon na anak ni Mayor De Leon at sina Lily Cruz at Emy San Pedro.
 
 
Kasama rin sa motorcade si Mayor Fred Germar ng Bayan ng Norzagaray na kumakandidato bilang congressman ng ika-6 na distrito. 
 
Si Piadozo ay isang Army Reservist na na kilala bilang “Jumong” at tubong Angat at dating naging kapitan ng kalapit na bayang Doña Remedios Trinidad.

Si Mayor Narding De Leon na tinaguriang “Ang Alamat ng Angat” ay labis na nagpasalamat sa lahat ng mga lumahok at sumusuporta sa Team JumNar kung saan ipinangako nito na magpapatuloy ang lahat ng kaniyang mga programa katuwang ang buong Team JumNar.