RHC Builders Warehouse nagsagawa ng “Builders Summit 2022”

KAMAKAILAN ay isinagawa ng RHC Builders Warehouse ang kauna-unahang Builders Summit 2022 na may temang “Builders Club, Building Success Together” na kung saan ay dinaluhan ng ibat-ibang sektor mula sa construction and development industries.
 
Sa panayam kay Jad Racal, Builders Warehouse Corporate Secretary, ang naturang summit ay binubuo ng mga RHC select contractors, architects at key influencer sa larangan ng konstruksyon at building sectors sa lalawigan ng Bulacan.
 
 
Makakatuwang ng lalawigan ng Bulacan para sa mas mabilis na pag-unlad at paglago ng ekonomiya ang mga dumalong sektor sa summit na tinaguriang “Ka-Builder” bilang game changer province sa bansa.
 
“The event aims to unite all key stakeholders to build strong network to drive local economy with RHC Builders Warehouse as key partner,” wika ni Racal.
 
Ayon Operation Manager Jun Gregorio, may anim na store ang Builders Warehouse sa bansa kabilang ang mga branch nito sa Dau, Novaliches, Tagaytay, at tatlo sa Bulacan sa parte ng Malolos City, Guiguinto at San Jose Del Monte City.
 
Sabi ni Gregorio, magkakaroon pa ng dalawang karagdagang branch sa lalawigan ng Bulacan sa bayan ng Angat at Norzagaray sa susunod na panahon.
 
Ang pagbuklod ng mga sektor sa construction and development industries sa isinagawang summit ay makapagbigay ng kumpletong solusyon sa larangan ng home improvements and needs kaugnay ng usaping konstruksyon.
 
Kasabay nito ay muling inilunsad din ng Builders Warehouse ang kanilang Builders Club Reward na siyang magagamit ng mga consumers upang maka-diskwento, perks, at puntos.
 
Sinimulan ng Racal Holdings Corporation na pinamumunuan ng presidente nito at may-ari na si Jed Racal ang kanilang construction supply store chain noong 2018 na naghatid ng trabaho sa mga tao lalo na sa mga fresh graduate.
 
Ayon pa kay Gregorio, ang Builders Warehouse ay binuksan na pawang mga One Stop Shop ng mga materyales at muwebles na pang-gusali at pambahay.