“Food security remains to be one of the pressing concerns today and in the coming years, and we are happy to help bridge the gap between farmers and end-consumers by ensuring farmers get better-than-farmgate prices for their agricultural produce to earn higher incomes while offering these directly to consumers, including our employees,” wika ni SMC President and CEO Ramon S. Ang.
“This partnership also allow us to provide a steady supply of fruits and vegetables to our adopted communities in Tondo through our Better World Tondo community center,” dagdag pa niya.
Kasama sa 1.7 milyon kilos ng prutas at gulay ang donasyon na 14,000 kilos na kinabibilangan ng sayote, cabbage, lemons, at watermelons sa mga komunidad sa Tondo simula 2020 habang ang Box-All-You-Can activities sa SMC head office ay nakapagbenta ng 2,260 kilos ng prutas at gulay sa mga empleyado.
Ang naturang inisyatibo ay bahagi ng programa ng SMC para pataasin ang kinikita ng mga magsasaka, mabawasan ang food waste at makatulong sa seguridad sa pagkain sa gitna ng pandemya.
Samantala, libre pa rin ang espasyo para sa mga magsasaka sa Circolo Market sa pakikipagtulungan sa Cabuyao Agriculture Office sa Laguna at sa San Miguel Market sa Sariaya, Quezon province kung saan nakatira ang farmer and fisherfolk relocatees sa San Miguel Christian Gayeta Homes.
“Our efforts are not limited to just helping farmers sell their excess produce to prevent these from going to waste. These also include providing market facilities so they can save on transportation costs and also maintain the freshness and quality of products sold to consumers and also supporting community-based agriculture initiatives,” wika ni Ang.
Nung 2020 ay nakipagtulungan rin ang SMC sa Department of Agriculture para sa “Kadiwa ni Ani at Kita” rolling stores sa Petron stations.