Rebelde sumuko sa Bulacan PNP

“Ka Biboy”, dating rebelde sumuko sa Bulacan PNP.
CAMP General Alejo S Santos, City of Malolos — Isang dating aktibong miyembro ng New People’s Army (NPA) at kasapi ng KADAMAY ang kusang loob na sumuko sa Bulacan PNP sa Sampaloc, San Rafael, Bulacan nitong Lunes, December 5, 2022.
 
Kinilala ni Bulacan Police Provincial Office (BUL PPO) director Col Relly Arnedo ang sumukong rebelde sa alias na “Ka Biboy”, 35, construction worker at dating medic officer ng NPA na kumikilos sa bahagi ng Nueva Ecija at Aurora, isa rin siyang aktibong miyembro ng KADAMAY.
 
Ayon kay LtCol Laurente Acquiot, Force Commander, 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), sumuko si Ka Biboy bandang alas-9:30 Lunes ng gabi sa joint elements ng 1st and 2nd Bulacan PMFC, 24th SAC PNP SAF, at 70th IB Philippine Army (PA).
 
Isinuko rin ni Ka Biboy ang kaniyang gamit na armas na isang caliber 9mm pistol, magazine at isang hand grenade.
 
Sabi ni Arnedo, si Ka Biboy ay kasalukuyang nasa kustodiya ng  Bulacan 2nd PMFC for investigation and custodial debriefing.