PROGRAMANG MAGLALAPIT SA PAGITAN NG PULISYA AT MAMAMAYAN

NAGING matagumpay ang isinagawang 3rd Provincial Advisory Group Summit, na ginanap sa Convention Center, Motorpool, Brgy Sapang Palay Proper, San Jose Del Monte (CSJDM,) kamakailan.

Ang naturang okasyon na may temang ‘Mga katuwang sa kahusayan na humahantong sa tagumpay sa pamamagitan ng MKK-K at muling pagpasigla ng programang Kasimbayanan,’

Ang Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran (MKK-K,) ay isasagawa ng bagong pamunuan ng Philippine National Police (PNP.) kung saan isasakatuparan ang mahigpit na pagsunod at paggalang sa batas, sa ilalim ng kasalukuyang Administrasyon.

Nagpakuha ng souvenir photo, ang mga nagsidalo sa katatapos na 3rd Prov’l Advisory Group Summit. (Left to right) Rowena Q Rallonza mula sa Center for Police Strategy Mangement as Planning Officer of Organization Alignment Division Camp Crame Quezon City; P/Lt Rhona L. Dela Cruz, dating Deputy Chief of Police for Administration, and MPSMU PCO; Pastor Arnold R. Carcido, Religious sector; Mr. Edgardo; P/Lt. Col. Gilmore Wasin, Pandi PNP Chief; Mr. Vic Billones III, Media Sector; Patrolman Allan Manlupig, Pandi PNP and Nelelita Carpio kinatawan ni Mrs Lolita T. Silva, MLGOO sector.

Ito ay muling pagsasabuhay, at inaasahang bibigyan ng pagpapahalaga ng bagong hirang na Chief of the PNP na si Police General Rodolfo Azurin, Jr., ang sinimulan nito sa Region 1 na “MKK=K Program.”

Naka-pokus ang programa sa kapakinabangan ng buong hanay ng pulisya, upang tugunan ang mga panlabas at panloob na suliranin ng organisasyon. Kasaklaw nito ang maparaan, maayos at sistematikong relasyon ng Kapulisan sa lipunan, kabilang at katuwang na dito ang iba pang sangay ng Pamahalaan. Ang muling ipabatid at ipadama sa balana, na ang mga Alagad ng Batas ay laging nakahandang sumaklolo anumang oras sa pangangailangan ng taumbayan..

  

Tinalakay sa nasabing pagtitipon ang mga pananaw ng mga dumalo, partikular na ang mga pangkat ng mga Pagpapayo sa lalawigan, gayundin ang mga Alagad ng batas. Kabilang na dito ang misyon ng bawat isa, ang usaping pananalapi, mga layunin, mga panukala, ang kanilang target at mga hakbangin. Nagsagawa din ng ‘Workshop on personal governance,’ na nilahukan ng lahat.

Ilan sa miyembro ng Prov’l Advisory Group, ay nagbigay ng mga payo at opinyon sa mga gawain ng mga awtoridad. Gayundin, naghandog ng mensahe sina P/BGen. Cesar Pasiwen, Regional Director ng PRO3; Atty. Arlene Castro-Co, Asst. Regional Director ng NAPOLCOM RO3, Chairperson, Provincial Advisory Group at ang OIC ng Bulacan PPO na si P/Col. Relly Arnedo.

  

Tsk! Tsk! Tsk! Masayang tinanggap naman ni Dr.Dennis Booth, City Administrator ng CSJDM, ang mga nagsidalo sa nasabing summit. Makabuluhan ang pagsasama-sama at nakapagbigay ng karagdagang kaalaman at kabatiran sa pagkatao ng isang kawani ng Pulisya. Mabuhay ang mga Alagad ng Batas.

***

Ang Willconnect Internet Communication Services, Inc.,isang ‘stakeholder,’ ay sumuporta sa  ‘Outreach Program’ na pinangasiwaan ni P/Lt. Col Gilmore Wasin, OIC, Pandi MPS, sa pag-‘donate’ ng isang (1) unit honda tricycle “kolong kolong” at 7 folding table sa Homeowners Association. Gayundin, namahagi ng ‘70 food packs’ sa mga nakatanggap at miyembro ng ‘urban poor families,’ na residente ng Housing projects sa Pandi Village 1-2, Pandi res 2, Vill W Ellise, Villa Lois, Siling Bata, Pandi, Bulacan, kamakailan.

Layunin ng aktibidad na ipakita ang malasakit at pagtutulungan ng PNP. at iba’t ibang sektor, sa pamamagitan ng KASIMBAYANAN na may layuning makuha ang puso at isipan ng komunidad kaugnay ng programa ng CPNP, MKK=K.

  

Tsk! Tsk! Tsk! Sana tuloy-tuloy ang ganitong gawain ng mga Awtoridad at ayuda mula matutulunging sektor ng lipunan. Hanggang sa muli!