“Paskuhan Sa Barangay” Nagsimula Na Sa Pandi

Umarangkada na ang unang araw ng “Paskuhan Sa Barangay 2021” sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque kung saan pawang mga lolo at lola o ang mga senior citizen ang nabiyayaan ng mga regalo at food packs nitong Huwebes, Disyembre 2.

Unang pinasyalan ng Team Puso at Talino ang Barangay Bunsuran 2nd at Bunsuran 3rd at sa mga susunod na araw ay ang 19 pang mga barangay ang hahatiran ng “Paskuhan Sa Barangay”.

Si Mayor Rico Roque kasama ang buong Team ng Puso at Talino; Bokal Ricky Roque, Vice Mayor Lui Sebastian, Kon. Wilma Parulan, Kon. Jonjon Roxas, Kon. Potpot Santos, Kon. Nonie Sta. Ana, Kon. Kat Marquez, Monette Jimenez, Vic Concepcion at Danny Del Rosario sa kanilang paghatid ng “Paskuhan Sa Barangay 2021” na unang dinala sa Barangay Bunsuran 2nd at 3rd na nagpasaya sa mga senior citizen. Kuha ni ERICK SILVERIO

Kasama ni Mayor Roque ang buong slate ng Team Puso at Talino, Bokal Ricky Roque, Vice Mayor Lui Sebastian, Kon. Wilma Parulan, Kon. Jonjon Roxas, Kon. Potpot Santos, Kon. Nonie Sta. Ana, Kon. Kat Marquez, Monette Jimenez, Vic Concepcion at Danny Del Rosario.

Ang “Paskuhan Sa Barangay” ay taon-taon isinasagawa ni Mayor Roque subalit nahinto dahil sa pandemiya at ngayon ay ibinalik ng alkalde nang lumuwag ang quarantine restriction.

Maagang aginaldo para kay lola handog ni Mayor Rico Roque at ng Team Puso at Talino ngayong Kapaskuhan. Kuha ni: ELOISA SILVERIO

Naniniwala si Mayor Rico na maliit man o malaking regalo ay ang diwa ng pagmamahalan at pagbibigayan mula sa puso ang siyang importante ngayong Pasko.

“Ang bawat Pandieño ay siguradong sasaya sa pagbabalik ng Paskuhan sa Barangay simula Dec. 2 hanggang sa pagsapit ng Pasko,” wika ni Roque.

Ayon pa sa alkalde, ang nasabing Paskuhan sa Barangay ay bilang pasasalamat nito sa mga Pandieño na sama-sama at nakiisa sa panawagan ng pamahalaang lokal na magpabakuna kontra Covid-19 at para tuluyan nang matuldukan ang pandemiya.

Aniya, nakamit na ng bayan ng Pandi ang herd immunity, ang kauna-unahang bayan sa Bulacan at number one rin sa Central Luzon na naabot ang full protection mula sa bakuna.

Si Kuya BOKAL RICKY ROQUE ang sigaw ng Distrito Singko.
Kuha ni ERICK SILVERIO

Maging ang IATF National Task Force ay kinilala ang inisyatibo ni Roque bilang mahusay na Covid-19 crisis manager na mula sa bayan ng Pandi.

Nabatid na aabot sa mahigit 8,000 senior citizen ang mabibiyayaan ng Paskuhan sa Barangay.

Dagdag pa ni Roque na mayroon din silang inihandang pamaskong handog para naman sa ibat-ibang sektor sa nasabing bayan.