PAIRALIN ANG PARUSANG KAMATAYAN

Katropa Nakasentro ni: Vic Billones III

“Hazing,’ ay hindi sapat na kabayaran sa buhay na naglaho. Ang tanong bakit hindi mahintu-hinto ito? Dapat sigurong ibalik ang parusang kamatayan, upang ang mga ganitong elemento ay matakot at ang karimarimarim na sistemang napaguusapan ay maglaho ng lubusan.

 

Bakit natin dapat gawing legal ang death penalty? Kung wala ang parusang kamatayan, ang mga kriminal ay magiging pabaya at walang takot, at sila ay gagawa ng kakila-kilabot na mga krimen. Kailangang umiral ang parusang kamatayan. May nangangatwiran na ito ay kumakatawan sa isang makatarungang kabayaran para sa ilang mga krimen, humahadlang sa krimen, pinoprotektahan ang lipunan, at pinapanatili ang moral na kaayusan. Kaya ‘death penalty’ ang tugon sa pinsalang naidudulot ng pagmamalabis sa buhay ng isang ‘neophyte’ na estudyante.

 

SENTRO NG DISTRITO NG KALAKAL SA BULACAN, KINI-KINITA

Isang kaiga-igayang paglulunsad ng malawak na lupain ng Northwin Global City, na pagtatayuan ng kauna-unahang sentro na distrito ng kalakal, na may kini-kinitang kaunlaran sa pangkabuhayan na sakop ng dalawang bayan sa Lalawigan ng Bulacan: ang Marilao at Bocaue, naganap noong ika-8 ng Marso, 2023. Ayon sa ulat sa Social media ito ay may lawak na umaabot sa humigit kumulang sa 85 ektaryang lupain, at ito ay matatagpuan sa may hangganan ng Southbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX.)

 

Tsk! Tsk! Tsk! Ang Lalawigan ng Bulacan na sinasabing ‘gateway to Northern Philippines,’ ay tiyak na dadaluyan ng sangkaterbang oportunidad sa hinaharap. Bulacan Gov. Daniel Fernando graced the launching occasion, at maraming natutuwang mga Bulakenyo sa patuloy na pagusad ng kaunlaran sa nasabing lalawigan. Hanggang sa muli!