PAGDINIG SA PANUKALANG DREDGING LABAN SA BAHA, UMUSAD NA SA SANGGUNIANG BAYAN NG BOCAUE

MULING tinalakay sa nakaraang session ng Sangguniang Bayan ng Bocaue, Bulacan ang usapin hinggil sa panukalang dredging bilang pagpapatuloy sa nasimulan ni Vice Mayor Sherwin N. Tugna kaugnay sa  pagpapahukay sa mga sapa at creeks sa nasabing Bocaue.
Bocaue Vice Mayor Sherwin N. Tugna
Nabatid kay Tugna na layunin ng panukalang ito ay upang bigyan ng solusyon ang baha na tumatagal ng ilang araw sa ilang parte sa bayan ng Bocaue.
Sa tulong aniya ng mga resource persons na department heads ng pamahalaang bayan at DPWH ay natukoy ang pamahalaang lokal ang mga sapa at creek na dapat hukayin at dapat linisin para dumaloy ang tubig papunta sa ilog.
Ayon kay Tugna magkakaroon ng action plan at timetable ang lokal na pamahalaan kung kailan magsisimula at matatapos ang paghuhukay para hindi na tumagal ang baha sa ilang area ng Bocaue.
Katuwang ng bise-alkalde sa inisyatibong ito ang punong bayan Mayor Jon Jon JJV Villanueva, Team Solid Konsehals, Sangguniang Bayan, DPWH Bulacan DEO 1, Engrs. Lito San Diego, Engr. Irene Ontinco; Engr. Joshua Roxas, Mr. Benjamin Isidro-Municipal Assessor; Arch. Miguel Castillo- OIC-Municipal Engineer; Engr. Dinia Gomez- MENRO; Mr. Alexander Yap- OIC- Municipal Administrator; Engr. Jose Rexie Cruz- MPDO; Mr. Rodante Galvez- MDRRMO.