PAGCOR, Bulacan inilunsad ang BBM Serbisyo Caravan

LUCKY WINNER OF SARI-SARI STORE STARTER PACKAGE. Si Yolanda Baluyot mula sa Calumpit, Bulacan (dulong kaliwa), ang kauna-unahang nanalo ng isa sa 45 sari-sari store livelihood packages kasama sina Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and Chief Executive Officer Alejandro H. Tengco, Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro sa ginanap na paglulunsad ng PAGCOR’s Bawat Buhay Mahalaga (BBM) Serbisyo Caravan sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon ng umaga. Kuha ni:
ERICK SILVERIO

CITY OF MALOLOS – Inilunsad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pangunguna ni  Chairman and Chief Executive Officer Alejandro H. Tengco sa pakikipagtulungan at suporta ng Provincial Government of Bulacan ang kauna-unahang “Bawat Buhay Mahalaga (BBM) Serbisyo Caravan” sa lalawigan ng Bulacan kung saan may kabuuang halaga na P50 million worthng ibat-ibang educational, medical, livelihood at financial assistance sa probinsiya.

 

Si Tengco ay sinamahan nina Gov. Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis C. Castro sa ginanap na Ceremonial Turn-Over ng PAGCOR’s community development and healthcare grants para sa mga Bulacan Local Government Units and Congressional Districts na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium noong Disyembre 8, 2023.

 

“PAGCOR’s aid to nation building in improving lives and addressing the needs of the Bulakenyo including high quality two machines of a two-dimensional Echocardiogram or 2D Echo and one ultrasound machine for Bulacan Medical Center, 4,500 electric bikes for Barangay Tanod for their patrol duties, 600 wheelchairs, 1,000 walking sticks, 2,000 scholarship grants including 1,000 students for Bulacan State University and 1,000 for vocational students, and some reading glasses,” wika ni Tengco.
 
Nagkaroon din sa nasabing event ang special raffle ng livelihood showcases tulad ng Sari-sari Store Starter Package worth P20,000.
 
Kasabay ng BBM Serbisyo Caravan ay ang  two-day medical and dental mission para sa halos 3,000 beneficiaries kasama ang  dental team mula sa PGB Bulacan Medical Center and Provincial Administrator’s Office Damayan sa Barangay (DSB) kasama ang mga  PAGCOR’S partner at iba pang PGB partner agencies gaya ng PNP, Bagong Pilipinas, and Philippine Army.

 

“Gusto ko din po sanang palakpakan natin ang inspirasyon po ng PAGCOR kaya nabuo ang araw na  ito, ang pinakamamahal natin at Iginagalang Pangulong Bong Bong Marcos, programa po niya ito,” ani Tengco.

 

Nagpahayag naman si Fernando at Castro ng kanilang lubos na pagpapasalamat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos at sa PAGCOR sa pagpilinsalalawigan ng Bulacan na maging  pilot beneficiary.

 

“Maraming salamat po sa ating Pangulong BBM at sa PAGCOR. Ang lahat naman po ng ating mga katuwang sa paglilingkod ay talagang nakaagapay sa ating mga kababayan, chairman at huwag po kayong magsasawa na bigyan tayo ng grasya dito sa ating lalawigan at sa lahat ng mga beneficiary, magpasalamat kayo sa Diyos,” wika ni Fernando.