Aprubado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbuo ng Cabinet Cluster for Education na siyang tutugon sa mga pangangailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa bansa.
Naisapinal ang desisyon kasunod ng mungkahi ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II). Layunin ng cluster na magtatag ng national strategy para sa pagpapalakas ng pagtuturo at lakas paggawa, mula sa early childhood hanggang sa technical-vocational education.