P31.5M naipamahagi ng Malolos LGU sa  mahigit 10K miyembro ng transport sector

Nasa kabuuang 10,527 indibidwal mula sa sektor ng transportasyon ang nakatanggap na ng P3,000 na fuel subsidy mula sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Malolos.

Ayon kay Malolos City Mayor Atty. Christian D. Natividad, nagkakahalaga ng tig-P3,000 fuel subsidy o financial assistance ang naipamahagi na ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa mga apektadong driver at operator mula sa sektor ng transportasyon.

P3,000 fuel subsidy para sa mga miyembro ng sektor ng transportasyon mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamumuno ni Mayor Christian D. Natividad.

Ito ay bunsod sa patuloy na krisis na kinakaharap ng maraming bansa dahil sa kaguluhan sa Middle East.

Nabatid na matapos sumiklab ang giyera sa Middle East at nagsimulang tumaas ang presyo ng petrolyo sa bansa na nagdulot ng malaking impak sa kabuhayan lalo na sa sektor ng transportasyon ay agad ipinag-utos ni Natividad ang pagproseso ng financial assistance para sa mga ito.

Ang unang tranche ng distribution ay sinimulan noong Anril 1 na nasa 9,119 driver/ operator ang nabigyan ng Lungsod ng Malolos ng halagang P3,000 bawat isa.

Ayon kay Mayor Natividad, ang beneficiaries ay kinabibilangan ng Tricycle Drivers and Operators, Jeepney drivers/ operators, noat drivers/ operators, Food Panda deivers, delivery riders at maging mga magsasaka at magingisda.

Sa huling tranche ay nasa 1,408 beneficiaries pa ang nakatanggap ng nasabing fuel subsidy na umabot sa kabuuang halaga na P31,581,00 milyon.

Ito ay isinagawa ng Malolos City Hall Administration Office at last week lamang natapos ang distribution subalit sinabi ni City Administrator Joel Eugenio na patuloy pa rin ang kanilang tanggapan sa pagproseso sa mga nais pang makakuha o hahabol sa pagsumite ng mga dokumento para maatanggap ng nasabing fuel subsidy.

Paglilinaw ni Natividad, ang nasabing P3k fuel subsidy para sa transport sector ay financial assistance na galing sa Pamahalaang Lungsod at puwera pa rito ang sa Pamahalaang Nasyunal.

Nabatid na kauna-unahan ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang nagsimulang nakapagbigay ng nasabing ayuda.

Samantala, sinabi ni Natividad na nakapagbigay din sila ng P10K na financial assistance sa mga pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFW) na naapektuhan ng kaguluhan sa Middle East na may kabuuang bilang na 400 pamilya na pawang mga residente ng Malolos.