HINDI nakalusot sa pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs-Port of NAIA, Ports Environmental Protection and Compliance Division Enforcement at Security Service (EPCD-ESS) ang misdeklaradong ‘exotic aquatic wildlife’ na umaabot sa P3.5 milyong halaga at sinasabing kundi naagapan ay baka tuluyang naipuslit sa mga bodega ng PAL/PSI, Pasay City nu’ng nakaraang February 10 ng taon.
Sa kanyang ulat kay BOC Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero, sinabi ni Customs-NAIA District Collector Mimel Talusan, ang illegal shipments na kinabibilangan ng 180 albino soft shelled turtles and 120 pacman turtles and 38,188 various exotic fishes ay galing Thailand.
Kasama rin sa naharang na iligal na mga kargamento ang nadiskubreng iba’t ibang aquatic plants gaya ng 718 anubias plants and 260 pieces of microsorium plants na mula sa parehong bansa.
Ayon kay Coll. Talusan, ang imported shipments ay posibleng sadyang minali ang deklarasyon upang mailusot sa ahensya.
Wala rin import permit, bagay na napatunayang lumabag sa Section 1400 of RA 10863 o mas kilala sa ilalim ng batas na sakop ng Customs Modernization and Tarrif Act (CMTA).
Kamakailan lang, natimbog rin ng alertong tropa nina Coll. Talusan ang aabot sa 923 tarantulas and otger arachnids, 5 centipedes, 66 Philippine and Malaysian reptiles, 22 Thailand bearded dragons and 6 Thailand live tegus.
Ang galing naman! Nakakabilib ang agresibo at epektibong kampanya kontra ismagling ng grupo ni Coll. Talusan sa BOC-NAIA. Kung hindi ako nagkakamali, sa loob lamang noong nakaraang 2021, daan-daang milyong halagang imported shipments, partikular illegal drugs ang nasabat nang kanilang kampo.
Walang nakalulusot miski isang pirasong ‘hugis karayom’ na kontrabando. Ibang klase ang ipinapakitang gilas sa paglilingkod ni Coll. Talusan! Kapuri-puri talaga! Congratulations, Guys! Keep up the good work and more power! Mabuhay kayong lahat! Salute!