MAAARI nang gamitin ng mga motorista ang bagong Angeles-Magalang Bypass Road project makaraang pormal na isagawa ang inagurasyon nito sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Pampanga 3rd District Engineering Office kahapon, Marso 1, 2022.
Ang pagpapasinaya ay dinaluhan ni DPWH Region 3 Director Roseller A Tolentino, Assistant Director Denise Maria M Ayag kasama sina Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr., Vice Mayor Vicky Vega, Congressman Carmelo B. Lazatin II, President and CEO of Hausland Mr. Wilfredo M. Tan, at Edgardo Tan, Chairman of the Board of Tan Song Bok Realty Development Corporation.
Ayon kay District Engineer Arleen Beltran, ang naturang P245 million project ay magsisilbing alternative route ng mga motorista na manggagaling sa Magalang papuntang Angeles City, vice versa.
Nabatid na ang konstruksyon ng nasabing bagong bypass ay sinimulan 2019 makaraang pondohan ng national government ang unang five connecting projects kabilang ang improvement ng EPZA Diversion Road na kokonekta sa Angeles-Magalang Road.
Dalawa pang proyekto, na kinabibilangan ng konstruksyon ng 88-meter two-lane bridge crossing the North Luzon Expressway (NLEX) na magiging integral part ng nasabing bypass road project na sinimulan 2020.
Ayon sa DPWH, lahat ng pitong parte ng proyekto ay nakumpleto na at napapakinabangan na ng mga motorista.
“Motorists will now experience ease of traffic in the congested area of Pulung Maragul Rotonda in Angeles City. Those coming from Angeles-Magalang-Mabalacat Road, NLEX, Balibago, and Magalang now have an alternative route if they are going to Angeles City or Clark,” paliwanag ni Assistant District Engineer Arnold R. Ocampo.
Binigyan-diin ni DE Beltran ang kahalagahan ng mga proyektong imprastraktura na magiging access para sa pagpapabuti ng sistema sa pamamahala ng trapiko sa lalawigan ng Pampanga.
“With the completion of this bypass road, motorists can now enter or exit through Aniceto-Gueco, saving them at least 30 minutes of travel time,” wika ni Beltran.
“The project also includes the construction of retaining walls and concrete slope protection on both approaches of the NLEX Overpass, the construction of box culverts in Pulung Cacutud, and the provision of road safety devices such as guardrails, hazard markers, and pavement markings,” paliwanag ni DE Beltran.