P105M inilaan para sa enhancement ng SFEX

Kasalukuyang isinasagawa ang surface pavement upgrade ng Subic Freeport Expressway para sa pagpapahusay ng kundisyon ng kalsada sa nasabing expressway. CONTRIBUTED PHOTO
NAGLAAN ang NLEX Corporation ng P105-milyon para sa isasagawang enhancement works sa Subic Freeport Expressway (SFEX) para mapahusay ang kasalukuyan nitong kondisyon at serbisyong mas maayos at mas ligtas sa mga motorista.
 
Kabilang sa mga isasagawang improvements ay ang pavement surface upgrade, construction of ditch and slope protection, instalasyon ng guard rails, at paglalagay ng mga hazard paint, na naglalayon na maging ligtas ang mga motorista sa paggamit sa kalsadahan sa SFEX.
 
Slope concreting sa SFEX
 
“We aim to make our roads safe for all weather conditions. With these enhancements, we expect to further protect motorists from roadside hazards by strengthening the slopes and improving the drainage system and other safety features at the SFEX,” ayon kay NLEX Corporation President J. Luigi L. Bautista.
 
Nabatid na ang pavement surface upgrade ay makatutulong sa pag-drain ng tubig lalo na tuwing malakas ang ulan sa kahabaan ng kalsadang nasa 4,374 linear meters sakop ng mga tulay ng Jadjad at Argonaut.
 
Upang maging matatag ang mga slopes at maiwasan ang mga pag-guho ay maglalagay dito ng mga wire mesh at pag konkreto ng 1,830-square meter na bahagi ng SFEX.
 
Ang mga concrete barriers at iba pang estraktura ay pipinturahan ng hazard warning marking para mabigyan ng babala ang mga motorista sa mga posibleng aksidente o panganib.
 
Nitong nakaraang Pebrero 2021 ay nakumpleto ng NLEX Corporation ang SFEX capacity expansion kung saan may kabuuang 16.4 new lane kilometers, 2 tulay at bagong tunnel ang napagawa buhat sa P1.6-billion expansion project. 
 
Nakapaglagay din ang nasabing kumpanya ng international standard LED lights, elebasyon ng Maritan Highway-Rizal Highway-Tipo Road junction, at pagpapabuti ng drainage system para sa kaligtasan ng mga motorista.
 
Ito umano ay naisagawang lahat sa kabila ng umiiral na pandemiya bilang tugon sa kailangang mga accelerate business activities at mapabilis ang daloy ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng economic zone sa Clark at Subic.
 
“It has been fulfilling its primary function of improving mobility and helping the infrastructure development program and growing transshipment operations in Subic,” ayon sa NLEX
 
Ang NLEX Corporation ay subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC).